^

PSN Showbiz

Derek nag-aalala sa mga magulang na may sakit

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Naging emosyonal si Derek Ramsay noong Linggo sa The Buzz nang mapag-usapan ang tungkol sa kanyang mga magulang. Mayroon ka­sing pinagdadaanan ngayon ang ama at ina ng aktor sa kanilang kalusugan. May problema sa paa at sa tiyan ang ama ni Derek habang ang kanyang ina naman ay pangalawang beses nang na-stroke kamakailan.

“Biggest fear kaya ayokong isipin.­ I can’t entertain the thought na mawawala. I try my best to make them proud. It’s a great feeling that my pa­rents are there for me,” emosyonal na pahayag ni Derek.

Mabuti na lang at masaya naman ang aktor sa relasyon nila ni Angelica Panganiban na limang taon na ngayon.

“The relationship is getting stronger and stronger every day. Even though we don’t get to spend as much time together. The relationship is still going forward and that’s what’s important and she’s definitely growing as a person and I am growing as a person,” paglalarawan ni Derek.

Nakikita ng aktor na si Angelica na ang babaeng makakasama niya habangbuhay.

“Like my sister said, she never has seen me this happy and my parents are very happy with my relationship and how it has affected me. Angel has made me a better person. Angel has given me direction and ’di na masyadong matigas ang ulo ko when it comes to other things in life,” dagdag pa ng hunk actor.

Sa March 14 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang Corazon: Ang Unang Aswang nina Derek at Erich Gonzales.

Jericho umaasa na magtatagal ang relasyon sa Australian gf

Ngayon ay masaya si Jericho Rosales sa kanilang relasyon ni Kim Jones na isang lifestyle show host. Magkasundung-magkasundo ang dalawa sa lahat ng bagay. Ang asawa ni Dominic Ochoa na si Denise Go Ochoa ang nagpakilala kina Jericho at Kim.

“Natameme ako, parang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nakita ko nga agad na ang ganda ng mata niya,” kuwento ni Jericho.

“Nahirapan lang ako dati kasi ang accent ang kapal-kapal talaga, Australian accent talaga. Hindi ko maintindihan.”

Hindi kaagad niligawan ni Jericho si Kim, naging malapit munang magkaibigan ang dalawa.

“Kasi medyo hindi naman girlfriend ang hanap ko noon. I was looking for mas makabuluhang pakikipagrelasyon. May mga tinatanggal pa ako sa sarili ko nun eh,” pagtatapat ni Jericho.

Umaasa ang aktor na magtatagal ang kanilang relasyon ni Kim.

“In every relationship na nagkaroon ako, I try my best always. When you’re in a relationship you always hope for the best. Expect the worst. Hope for the best para at least prepared ka and I’m really happy right now,” pagtatapos ni Jericho.

Sa darating na Lunes ay magsisimula na ang pinakabagong teleserye ng Kapamilya Network na pinagbibidahan nina Jericho, Piolo Pascual, Cristine Reyes, Maricar Reyes, at Christopher de Leon, ang Dahil sa Pag-ibig.   — Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ANG UNANG ASWANG

ANGELICA PANGANIBAN

CRISTINE REYES

DENISE GO OCHOA

DEREK

DEREK RAMSAY

DOMINIC OCHOA

ERICH GONZALES

JERICHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with