Misis na ipinagpalit ng mister sa female TV host pinag-sabihan ang writer friends na huwag magsulat tungkol sa show
Hurt pa rin ang isang misis na iniwan ng kanyang mister dahil pinili nito na makisama sa female TV host.
Hindi puwedeng mag-deny si misis dahil sinabihan niya ang mga kaibigan na columnist na huwag magsulat tungkol sa female TV host at sa programa nito. Bitter is not better ang attitude ni misis kaya obvious na hindi pa niya napapatawad ang mga tao na nakasakit sa kanyang damdamin.
Sen. Miriam pinag-iisipang isama sa pelikulang Boy Pick-Up
Type ko ang idea na magkaroon ng special participation sa Boy Pick-Up the Movie si Senator Miriam Defensor-Santiago.
Ang tanong, papayag ba si Sen. Miriam na maging bahagi ng pelikula ni Ogie Alcasid na ipalalabas ng Regal Entertainment, Inc. sa mga sinehan sa Independence Day celebration sa June?
Alam nating lahat na very busy ang senadora sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona. Baka wala siyang time para mag-shooting.
Bongga ang mga pick-up lines ni Sen. Miriam kaya naisip ng mga brilliant minds ng Boy Pick-Up the Movie na isali siya sa cast. Kung papayag si Mama Miriam, sure ako na lalong darami ang bilang ng mga mag-aabang sa pelikula ni Ogie.
Very hot copy ngayon si Mama Miriam dahil sa nangyari sa kanila ni Atty. Vitaliano Aguirre. Sa true lang, si Mama Miriam ang nagbibigay saya at kulay sa impeachment trial, lalo na kapag sinasabi niya ang word na “Wah!”
Jose malabo nang balikan ang misis
Napa-wah ako nang mapanood ko sa The Buzz ang estranged dyowa ni Jose Manalo na si Annalyn.
Kung kailan natapos ang successful concert nina Jose at Wally Bayola sa Smart Araneta Coliseum, saka umapir sa TV at nagkuwento ng kanyang pasabog ang misis ni Jose.
Pinanood ko kahapon si Jose sa Eat Bulaga. Parang hindi naman siya affected sa mga pasabog ni Annalyn o baka naman, magaling talaga si Jose na magdala ng problema dahil para sa kanya, the show must go on.
Dahil sa mga pasabog ni Annalyn, lalong lumabo ang posibilidad na magkabalikan sila ni Jose dahil sa mga kahihiyan na inilabas niya sa TV at napanood worldwide.
Sen. Bong ni-renew ng AMA
May contract renewal sa AMA University si Sen. Bong Revilla, Jr. dahil napatunayan niya na very effective siya bilang endorser.
Maganda ang relasyon at partnership ni Bong at ng AMA University dahil maraming estudyante ang kanilang natutulungan. Mga estudyante na nabigyan ng scholarship at natupad ang pangarap na makatapos ng pag-aaral.
Sobra ang pasasalamat ng mga scholars kay Bong at sa AMA University na walang sawa na tumulong at sinuportahan ang pag-aaral nila.
Jennylyn napa-‘I love you Lucky’ sa harap ng ex-BF
Naaliw ako kay Jennylyn Mercado na biglang nag-“I love you Lucky” sa harap ng kanyang ex-boyfriend na si Mark Herras dahil sa panunukso sa kanila ni Polo Ravales.
Nag-guest sa Showbiz Central noong Linggo ang cast ng Hiram na Puso para i-promote ang kanilang show na nagsimula kahapon sa GMA 7.
Si Jennylyn ang nag-interbyu sa cast at nakatuwaan ni Polo na biruin siya tungkol sa past nila ni Mark. Hindi naman napikon si Jennylyn dahil past is past para sa kanya at para i-prove na naka-move forward na siya, mala-Vilma Santos na nag-dialogue si Jennylyn ng “I love you Lucky.”
Natuwa at natawa ako sa ginawa ni Jennylyn na malaki na ang improvement bilang TV host. I’m sure, kung nanonood si Luis Manzano ng mga oras na ’yon, siguradong kinilig siya sa linya na naging classic dahil sa kanyang mother dear at binuhay ni Jennylyn noong Linggo.
- Latest