Aljur takot mag-react kay Robin sa pagiging bubuyog
PIK: Natutuwang ibinalita ng Optical Media Board (OMB) Chairman Ronnie Ricketts na unti-unti na niyang nakukuha ang suporta ang mga kapatid na Muslim sa kanyang Anti-Piracy Campaign.
Positibo ang resulta nang pakikipag-dialogue nito at pakikipag-coordinate sa mga kapatid nating Muslim kaugnay sa ipinaglalaban nitong Anti-Piracy Campaign.
Hindi lang sa mga ito kundi pati sa mga city mayors ay nakuha na rin ni Chairman Ricketts ang suporta ng mga ito. Kaya malaki ang pag-asang mapaplantsa nito ang problema sa piracy kahit medyo matatagalan pero kumikilos ang lahat.
PAK: Ayaw sagutin ni Aljur Abrenica ang pasaring ni Robin Padilla na tinawag siyang bubuyog sa kanyang anak na si Kylie Padilla. Ang sabi kasi ni Robin, siyempre maganda ang anak niya kaya nandiyan ang bubuyog kagaya ni Aljur. Mabuti nga na tinawag niyang bubuyog at hindi bangaw.
Sabi ni Aljur, ayaw niyang sagutin ’yun dahil hindi naman niya alam kung positive ba o negative ang pagkakasabi ni Robin na bubuyog siya.
Mabuting manahimik na lang siya at hindi na niya sasagutin.
Mas pagkakaabalahan na lang niya ang promo ng pelikula nila ni Rhian Ramos na My Kontrabida Girl. Sa March 14 na ang showing nito na hangad niyang tatangkilikin ito ng kanilang mga supporters para ito ang makakapagbalik kay Rhian.
Siyanga pala, babalik na rin si Rhian sa Manny, Many Prizes bilang regular co-host ni Manny Pacquiao. Sa March 10 na siya magsisimula uli.
BOOM: Hindi na pinapatulan ni Rep. Manny Pacquiao ang mga pasaring ni Floyd Mayweather, Jr. sa kanyang Twitter account.
Kamakailan lang ay nag-post ito ng “just by speaking to Pacquiao on the phone, I mean, he’s not one of the sharpest knives in the drawer.”
Sagot na lang ni Pacman, “God bless him. I’ll pray for him.
“I have a verse for him. From Matthew 12:36-37: You can be sure that on the Judgment Day everyone will have to give account of every useless word he has ever spoken. Your words will be used to judge you — to declare you either innocent or guilty.”
Mukhang malabo nang maglaban ang dalawa dahil sa kung anu-anong demands ang hinihingi ni Mayweather. Pati ang promoter ng ating Pambansang Kamao ay pinapakialaman nito na makikipaglaban siya kung iwan ni Pacman ang Top Rank Promotions ni Bob Arum.
Pati sa hatian ng shares ay gusto pa makalamang ang American boxer at hindi ’yun siyempre papayagan ni Pacman.
- Latest