The Amazing Race sisimulan na, Panagbenga 2012 isinara ng TV5
Tuluy-tuloy ang regional campaign ng TV5 (Sugod Mga Kapatid) para palakasin pa ang kanilang mga programa sa maraming probinsiya. Kahapon ay nasa Baguio City sila para sa isang malaking presscon kasama ang mga pambato nilang prinsesa na sina Alex Gonzaga, Arci Muñoz, Danita Paner, Eula Caballero, and Ritz Azul. Kasama sana si Jasmine Curtis sa mga ipapa-presscon pero nasa Australia na pala siya.
Anyway, bukod sa presscon kasama ang local press, nagkaroon din sila ng special show na ginanap sa Session Road in Bloom.
Humataw ang primetime princesses sa harap ng maraming taga-Baguio na nagtitilian sa kanila.
Part ang Sugod Mga Kapatid sa Baguio ng makulay na celebration ng taunang Panagbenga Festival ng Baguio.
May sariling float ang TV5 showcasing 20,000 local flowers – with a size of 24x12x9 feet and a design inspired ng network’s More More More campaign sakay sina Shalani Soledad-Romulo, Gelli de Belen, Arnell Ignacio, Tuesday Vargas, Pretty Trizsa, and Wendy Valdez, ang mga hosts ng sisimulang noontime show ng network.
Kasali rin sa floral parade ang mga hosts ng Good Morning Club na sina Amy Perez, Chiqui Roa, Lucky Mercado, and April Gustilo.
At bilang sila ang official media partner, ang mga Kapatid princesses ang official na nagsara sa taunang Panagbenga Festival.
Wala pang regional office rito sa Baguio ang TV5. Wala pa rin silang local shows pero this year ay aasikasuhin nilang maayos ang Baguio office para lalong lumakas ang mga programa nila rito lalo na nga’t marami silang sisimulang programa starting this month kasama na ang Sharon, ang first show ni Megastar Sharon Cuneta sa kanila na tampok ang kuwento ng mga kababaihan. Yup, inspiring talk show daw ang magiging concept ng Sharon na this month na rin eere.
Start na rin ang Game ‘n Go sa March 10, kung saan babandera si Edu Manzano, naka-line up din ang Extreme Makeover Home Edition Philippines, Kanta Pilipinas, at marami pang iba.
Sisimulan na rin nila ang The Amazing Race na wala pang napipiling host. Ang rumor nung una, si Aga Muhlach pero balitang si Aga ang sasabak sa Dancing Nation na sabagay ay bagay sa aktor dahil ready siya sa hatawan sa pagsayaw.
Ayon kay Ms. Peachy Guiguio, PR head ng TV5, pinag-uusapan pa kung sino ang magho-host ng The Amazing Race.
Nauna nang nag-start ang Isang Dakot na Luha at Felina sa afternoon slots. Ang Nandito Ako na pinagbibidahan nina David Archuleta, Jasmine Curtis, and Eula Caballero na madalas na ngayong nagti-trend sa Twitter.
- Latest