^

PSN Showbiz

Mother Ricky mamimigay ng malalaking premyo sa kanyang show

-

MANILA, Philippines - Simula ngayong Sabado ay may pa-contest sa GMA News TV-11 show na Life and Style With Gandang Ricky Reyes na ang mga sasali’y magwawagi ng malalaking premyo.

Manood ng programa 10:00 to 11:00 ng umaga at bilangin kung ilang beses babanggitin ng host-producer na si Mader Ricky ang salitang Kapuso at ipadala ito sa twitter account na @RickyReyes2012 o mag-like sa lifeandstyle with Ricky Reyes facebook fan page.

Nakalaan ang mga papremyong tulad ng P500 load sa mobile phone, P1000 gift certificate sa lahat ng Ricky Reyes Salon sa buong Pilipinas at isang weekend sa Golden Sunset Resort Inn and Spa para sa dalawang tao. Kaya, tutok lang sa LSWGRR at manalo.

Samantala, tutuparin ni Mader ang pangarap ng isang parlorista na magkaroon ng sariling salon na kumpleto pa sa mga kagamitan. Gayundin ang dream ng isang mekaniko na makaranas ng water sport tulad ng jetski, para-sailing, kayak at banana boat. Kung mayroon kayong hiling, sumulat sa ating may ginintuang-pusong salons czar sa 172 2R Building, 672 Aurora Boulevard, San Juan City. 

First time namang mangungusina si Mader at ipagluluto tayo ng simpleng pagkain na good for the heart. Ang makaka-join niya’y ang sikat na si Chef Toni.

Pararangalan ang mga bumbero dahil ang buwan ng Marso ay Fire Prevention Month. Isang bayaning bumbero ang ibo-blow out sa Golden Sunset ng dalawang araw kasama ang kanyang pamilya.

AURORA BOULEVARD

FIRE PREVENTION MONTH

GAYUNDIN

GOLDEN SUNSET

GOLDEN SUNSET RESORT INN AND SPA

LIFE AND STYLE WITH GANDANG RICKY REYES

MADER

RICKY REYES

RICKY REYES SALON

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with