BB naniningil ng P1 million bago magpa-interview kay Carmina
Grabe naman. Naniningil pala si Rustom Padilla now BB Gandanghari ng isang milyon bago pumayag magpa-interview sa kanyang ex wife na si Carmina Villaroel.
Yup, ayon sa source nagpadala ng e-mail ang programang Showbiz Inside Report na ang host ay sina Carmina, Janice de Belen, Joey Marquez and Ogie Diaz.
Sumagot naman daw si BB sa nasabing e-mail, ‘yun nga lang may demand na P1 million bago siya pumayag.
Nauna nang nagsabi si Carmina na ready na siyang kausapin ang dating asawa. ‘Yun nga lang wala naman silang sinabing ready din silang magbayad ng P1 million pumayag lang siyang (BB) magpa-interview.
Or malamang na presyong ayaw lang magpa-interview ni BB kaya naniningil siya ng milyones.
Matapos ang matinding bangayan at demandahan, Annabelle at Wilma galvante nagkabati na
Nagkaayos at nag-usap na ang dating mortal na magkaaway na sina Annabelle Rama at ang nag-retire na executive ng GMA 7 na si Ms. Wilma Galvante kagabi.
Si Mother Lily Monteverde ang naging daan para magkaayos ang dalawa na umabot pa sa demandahan ang bangayan na nag-umpisa nang magka-problema sa alaga ni Tita Annabelle na si JC de Vera.
Nagkaiyakan daw ang dalawa sa telepono at maging si Mother Lily ay naiyak. Nang makausap namin ni ‘Nay Lolit Solis sa telepono - nang ipasa ni Jun Lalin ang telepono kay Mother, nangingiyak-ngiyak pa ito. “Masaya ako at nagkabati na sila,” bungad ni Mother.
Nangyari ang batian nang magkaharap sina Mother Lily, Tita Annabelle and Jun. Ang sabi ni Mother sa nanay nina Ruffa, Richard, Raymond tatawagan niya si Ms. Wilma dahil magbi-birthday ito. Pumayag daw si Tita Annabelle at ayon nagkataong pumayag din si Ms. Wilma na magkausap sila na nasa bahay lang. At naganap na nga ang matagal nang wini-wish ni Mother Lily na magkabati ang dating magkaibigan.
So ang Regal matriarch na ang bagong peacemaker ng showbiz.
- Latest