Pero hindi pa raw sila ni Sarah, 'inspirasyon ko siya' - Gerald
MANILA, Philippines - Buti naman at nagsalita na si Gerald Anderson tungkol sa kanila ni Sarah Geronimo. Kahapon sa presscon ng magtatapos na Budoy, inamin niyang hindi pa sila formal na magkarelasyon pero inspirasyon niya nga ang pop princess.
“Gusto kong sabihin na kami na, we‘re friends lang po at hindi po ako nagsisinungaling sa inyo. She does inspire me and I‘m just really happy na nakilala ko siya in a different level. Masaya ako kung anong status namin ngayon.
“Gusto ko siya and like I said, inspirasyon ko siya. Just thinking about her puts a smile on my face,” pag-amin ng aktor na masayang-malungkot sa pagtatapos ng Budoy.
Proud na proud din si Gerald sa kinalabasan ng Budoy dahil hindi siya iniwan ng mga manonood at naipakita niya ang pagiging aktor dito. Nakatrabaho rin niya ang magagaling na artista tulad nina Janice de Belen, Zsa Zsa Padilla, and Tirso Cruz III.
Christian umaming dyowa na ang Romanian-Chineseactress
Present sa launching First Class: Outbound Expanded Edition album ni Christian Bautista ang girlfriend niyang si Carla Dunareanu. Yup, after ng ilang years na walang love life, na-in love na uli si Christian.
Nakasama niya si Carla sa musical show na The Kitchen Musical at doon sila nagka-debelopan.
Last Valentine lang daw naging formal ang relasyon nila nang sagutin siya (Christian) ng mixed Romanian-Chinese girlfriend via Skype.
Anyway, ang sosyal ng First Class: Outbound Expanded Edition album ni Christian dahil may kasama itong coffee table book bilang celebration ng kanyang 10th anniversary sa showbiz.
Meron itong nine tracks, five hits from the original Outbound, and new recording of his earlier hits Hands To Heaven and The Way You Look At Me.
“I can really say that this is my best album yet-from the songs, to the packaging, to the guest artists. I am really proud of this album,” says Christian na in love na in love ang aura. “Plus, this is also very important because this marks my comeback into releasing new songs.
Galvante retires, Rasonable appointed OIC of Entertainment Group
Pormal na ang announcement ng retirement ni senior vice president for the Entertainment Group ng GMA 7 na si Ms. Wilma V. Galvante at ang appointment ng kapalit niya na si vice president for drama na si Lilybeth G. Rasonable as officer-in-charge of the Group.
Taong 2008 nang maging program manager si Ms. Rasonable samantalang umabot sa 19 years nanilbihan si Ms. Galvante sa GMA 7. (SVA)
- Latest