Gretchen gustong mag-produce ng sariling pelikula
Sinabi ni Gretchen Barretto na unti-unti na siyang napapayapa dahil kahit hindi matuloy ang Alta ay meron siyang gagawing serye, ang Princess and I na hindi man siya ang gumaganap na prinsesa ay isang reyna naman ang kanyang role. Challenging ang role niya dahil may pagkakontrabida. Kasama niya sina Kathryn Bernardo, Albert Martinez. Nakatakda nga siyang pumunta ng Bhutan para makunan ang ilang mahahalagang eksena para sa serye.
Bukod sa pagtatampo, walang iba pang naging reaksiyon ang aktres sa hindi pagkakatuloy ng Alta. Dinaan na lamang niya sa pagdarasal ang kanyang tampo at panghihinayang.
Tatlong taon ng isang prayer warrior si Gretchen. Ito ang ginagawa niya hindi lamang kapag may problema siya at natatakot kundi para magpasalamat din sa Diyos.
In the future, gusto niyang mas makaangat pa sa pagiging artista niya. At hindi lang basta magandang mukha.
Isa sa pangarap niya ay makapag-prodyus ng sarili niyang pelikula o proyekto sa TV hindi lamang para sa sarili niyang kapakanan kundi sa mga kapwa rin niya artista.
Al Galang nag-iba nang tono!
Kahit nakalabas sa isang pelikula sa US si Al Galang, ang itinuturing na bagong boylet ni Dr. Vicki Belo at sinasabing ipinalit niya kay Hayden Kho, Jr. pero hindi kasama sa plano niya ang mag-artista rito nang dumating siya nung 2006. Pagtatayo lamang ng isang yoga studio at pagtuturo nito ang layunin niya.
Dito marahil nanggaling ang mga larawan niya na lumalabas sa Internet ngayon.
Ang anak ni Dr. Belo na si Cristalle Henares ang una niyang naging kliyente. Ito ang kumumbinsi sa kanyang ina na sumubok ding mag-yoga. Halos magkapitbahay lamang ang kanyang studio at ang Belo Medical Clinic sa Greenhills. Dun sila nagkakilala at naging magkaibigan.
“But we never went out on dates. We had dinners with friends. I know Hayden and I’m aware of their relationship but it did not stop me from becoming intrigued ang interested by Vicki. But I’m not courting her, we’ve never gone beyond friendship. She was faithful to Hayden all throughout,” pagtatanggol niya sa kanyang sarili at sa estudyanteng doktora.
Regine payag nang maging pulitiko si Ogie
Hindi komporme si Regine Velasquez na maging pulitiko si Ogie Alcasid pero kung ito ang pagpapasyang gagawin ng singer, wala siyang magagawa kundi suportahan ito.
Kahit inamin ng Songbird na hindi nila mundo ang pulitika, may mga gustong gawin ang kanyang asawa.
“May mga iniisip siyang gawin. Hindi lang ang pagtulong dahil kahit noon pa naman ay marami na kaming tinutulungan. Anuman ang dahilan niya sa pagpasok sa pulitika, susuportahan ko siya,” sabi nito.
Kung ipahihintulot ng Diyos, gusto rin ni Regine na masundan si Baby Nate. Kung mangyayari ito, gusto niyang magbuntis muli soon, next year kung pupuwede.
Direk Marilou pararangalan sa Star Awards
Sa March 14 na ang 28th Star Awards For Movies. Gaganapin ito sa Meralco Theater, Ortigas Ave, Pasig City, 5 p.m. Muli itong ipoprodyus ng Airtime Marketing, Inc na pinamumunuan ni Tessie Celestino. Tumigil pansamantala ang Airtime sa pagpoprodyus ng Star Awards dahil sa ilang personal na kadahilanan pero muli silang nagsanib-puwersa ng Philippine Movie Press Club (PMPC) para makapagbigay ng natatanging parangal sa mga taga-showbiz last year.
This year recipient ng Ulirang Alagad sa Likod ng Kamera si Marilou Diaz-Abaya.
Hosts sa awards night sina Sarah Geronimo, KC Concepcion, at Derek Ramsay.
Mga mapipiling pelikula, artista, at technical people ang mga pararangalan, both in mainstream and digital.
- Latest