Rhian, si KC Montero ang bagong boyfriend?
“So it appears that I have a new girlfriend! I wonder if she knows! Chos!” ang reaction ni KC Montero sa blind item na siya ang bagong BF ni Rhian Ramos.
Wala pang reaction ang aktres sa bagong tsismis sa kanya, obviously, hindi pa nakakarating sa kanya ang tsika.
Bakit parang sumabay ang tsikang ito sa promo ng pelikulang My Kontrabida Girl?
Maganda pa naman ang reaction ng mga tao sa trailer ng movie nina Rhian at Aljur Abrenica na showing sa March 14 dahil sa mga crispy at nakakatuwang dialogue ni Rhian na bumagay sa kanya.
Sabagay, at least may iba nang pag-uusapan kay Rhian.
Isa na ang My Kontrabida Girl sa may maraming guest at kabilang dito sina Lolit Solis, Odette Khan, Gladys Reyes, Celia Rodriguez, at contract stars ng GMA Artist Center at GMA 7.
Janice at Carla pagsasamahin sa Pridyider
Magsasama sa isang pelikula ng Regal Entertainment, Inc. sina Janice de Belen at Carla Abellana, horror ang movie at ang title…Pridyider!
Kung inyong natatandaan, title ito ng isang episode ng Shake, Rattle, & Roll 1 na ipinalabas noong 1984 at isa si Janice sa mga bida. At kung naalala n’yo pa rin, nire-rape siya ng refrigerator sa story.
Hindi pa namin alam kung ibang story ang gagawin nina Janice at Carla o pahahabain na lang ang story ng original Pridyider.
Hindi pa rin namin alam kung sino ang mapipili nina Mother Lily Monteverde na magdirek ng bagong Pridyeder na ang original ay idinirek ni Ishmael Bernal at si Amado Lacuesta ang sumulat.
Albert, bagay na hari
Pinoste ni Albert Martinez ang picture niya sa test look na ginawa ng ABS-CBN para sa bago nilang teleserye na Princess and I ang title. Bagay sa aktor ang role ng King of Yangdong at gaganap na kanyang queen sa Lara Quigaman.
Tweet ni Albert, sumailalim siya sa Bhutanese language lesson at karamihan sa mga eksena niya ay sa Bhutan kukunan.
Sa mga na-post na picture ng aktor, hindi na siya nagpakalbo o baka naman dahil test look pa lang ’yun kaya ’di pa siya kinakalbo. At ang ganda ng kaharian ng Bhutan sa mga kinunang picture ni Albert.
Si Kathryn Bernardo ang bida ng Princess and I at kapareha niya sina Enrique Gil, Daniel Padilla, at Khalil Ramos.
Aktor sa maskulados tuloy ang paggawa ng album
Keyboardist ng bandang The Bridge ang role ni Orlando Sol sa Biritera at dahil marunong na siyang tumugtog nito at pinag-keyboard lesson ng GMA 7 bago ang taping, hindi masyadong nahihirapan sa kanyang role ang aktor.
Bukod sa pagiging band member, gaganap ding boylet si Orlando ng karakter ni Ryan Eigenmann, the same role na ginampanan niya sa Munting Heredera bilang BF ni Roderick Paulate, pero ’di ito takot ma-typecast.
Kahit sunud-sunod ang acting project, hindi pa rin iiwan ni Orlando ang Masculados and in fact, ire-release nila ang fourth album nila either sa April o June.
- Latest