Grace Lee kinontra si Angelicopter
PIK: Matindi ang labanan sa best actor at best actress category sa nalalapit na 28th Star Awards For Movies.
Maglalaban sina Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Jericho Rosales, Derek Ramsay, Ryan Agoncillo, Martin Escudero, at Jeorge Estregan sa best actor.
Sina Judy Ann Santos, Eugene Domingo, Angel Locsin, Maja Salvador, Lovi Poe, Anne Curtis, at AiAi delas Alas naman sa best actress.
Si Eddie Gutierrez naman ang Ulirang Artista awardee at si Direk Marilou Diaz-Abaya naman ang Ulirang Alagad sa Likod ng Kamera.
PAK: Iniintriga na pala ang host ng Public Atorni ng TV5 na si Atty. Persida Acosta na ginagamit ang office hours nito bilang chief ng Public Attorney’s Office (PAO) sa taping ng kanyang programa.
Nilinaw ni Atty. Acosta na hindi siya nagti-taping ng weekdays kundi Sabado at Linggo lamang dahil walang opisina sa araw na ’yun.
Kaya wala na nga siyang pahinga dahil isang linggo niyang inuubos ang oras niya sa tanggapan nito sa PAO, at ang weekend naman ay sa taping ng Public Atorni na napapanood na mula Lunes hanggang Biyernes sa TV 5.
BOOM: Masama ang loob ni Grace Lee kay Angelicopter dahil sa mga pinagsasasabi nito kaugnay sa pagkakatanggal niya sa kanilang radio program sa Magic 89.9.
Ayon kay Grace, alam naman ni Angelicopter kung ano ang totoo na tinanggal siya dahil sa iba pa niyang issue sa istasyon, at nangyari ito nung bago pa mag-Pasko na hindi pa ito nali-link kay Pres. Noynoy Aquino.
“So, let’s stop this circus of releasing statement na hindi naman totoo. At ang pinaka-ayoko ko dito ’yung sinabi niya, ginawa ko ’yun dahil I feel powerful.
“This happens before I met the president. I had not gone out with a single date with the president when she fought with me. And let me clear, inaway niya ako. I left the room, nasaktan ako sa mga sinabi niya at sa mga ginawa niya, very unprofessional, I step out of the room. Umiyak ako,” bahagi ng himutok ni Grace.
- Latest