^

PSN Showbiz

Maja bisi-bisihan ang buhay!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Masaya si Maja Salavador sa takbo ng kanyang career ngayon. Bukod sa naging maganda ang review ng pelikula nila ni Matteo Guidicelli na My Cactus Heart kamakailan, ngayon ay abala ang dalaga sa kabi-kabilang showbiz commitments at sa teleserye niyang Precious Hearts Romances Presents Lumayo Ka Man sa Akin.

“Okay naman ako, sobrang ganda ng pasok ng 2012. Parang first quarter of the year pa lang, noong January, doon nag-start ’yung teleserye ko and doon nag-showing ang My Cactus Heart. Sa mga endorsements naman, nag-renew naman halos lahat ’tapos may mga bagong pumapasok so I’m so happy na pinagkatiwalaan pa rin ako ng mga endorsements ko,” pahayag ni Maja.

Posible na muling magsama sa bagong proyekto ang real-life sweethearts na sina Maja at Matteo dahil sa naging resulta ng una nilang pelikula.

“May bonggang project, may niluluto. Sobrang ginigisa pa pero ang bibigat kasi ng mga ingre­dients. Sobrang pinaghahandaan namin ito, maganda siya,” natatawang sambit ng dalaga.

Nagpapasalamat din si Maja sa lahat ng tumatangkilik sa kanilang soap opera dahil patuloy pa rin itong pinapanood ng mga tao kahit nalipat na sa hapon ang kanilang palabas.

“Sobrang happy kami dahil sobrang ganda ng feedback na nakukuha na­min at sabi nila kahit pang-hapon ’yung show talagang grabe ’yung panonood ng audience talaga. Talagang nasusubaybayan.

“So natutuwa kami na mara­ming sumusubaybay sa aming te­leserye at sana abangan n’yo lang dahil ang dami-dami pang magaganap,” sabi ng young actress.

Ang daming mangyayari sa cha­racter ko na si Janine, kung ka­nino talaga siya mapupunta. Isa ba siyang salawahan o sadyang ganun talaga ’yung pag-ibig na hindi mo alam na bigla na lang dumarating ’yung tunay na pag-ibig sa ’yo?”

Enchong nae-excite sa mga isi-share ni Jessy

Nalalapit na ang pagtatapos ng seryeng Maria La Del Barrio nina Erich Gonzales at Enchong Dee. Pansamantalang hindi muna pagtatambalin ang dalawa pagkatapos ng nasabing serye pero muli silang magsasama sa bagong proyekto.

“Of course, definitely. Siguro they will just wait for a short period of time. ’Yun ’yung pana­nabikan nila,” pahayag ni Enchong.

Samantala, muling makakasama ni Enchong si Jessy Mendiola sa isang proyekto. Minsan nang nagkasama sina Enchong at Jessy noon sa seryeng Boystown. Ginagawa nila ngayon ang pelikulang The Reunion kung saan ay makakasama rin nila sina Xian Lim, Kean Cipriano, at Enrique Gil.

“Happy na nagkasama ulit kami kasi it’s been a while,” pagtatapat ni Enchong.

Ayon sa binata ay malaki na ang ipinagbago ni Jessy ngayon bilang aktres. “Dahil sa pinagdaanan niya, parang ang dami na rin siyang nase-share, ang dami na niyang natutunan. She can perform,” paglalarawan pa ng young actor.

— Reports from JAMES C. CANTOS

ENCHONG

ENCHONG DEE

ENRIQUE GIL

ERICH GONZALES

JESSY

JESSY MENDIOLA

MAJA

MY CACTUS HEART

SOBRANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with