Broken Vow pumalo sa ratings
MANILA, Philippines - Naging mataas ang rating ng Broken Vow ng GMA Network.
Hindi lang sa Luzon at Mega Manila patok na patok sa mga manonood ang orihinal na drama series kundi pati na rin sa mga lunsod sa buong bansa.
Ito ang sinasabi sa datos ng Nielsen TV Audience Measurement.
Batay sa average household data sa National Urban Philippines mula Pebrero 6 hanggang Pebrero 17, ang programa ay nakapagrehistro ng 38.3 share points. Ito ang bumubuo sa 77 porsiyento ng kabuuang television household sa buong bansa.
Patuloy ang pamamayagpag ng Broken Vow sa Mega Manila na bumubuo sa 56 porsiyento ng kabuuang television household sa buong bansa.
Nasa direksyon ni Gil Tejada Jr. ang Broken Vow na nagpakilala sa bagong tanden nina Luis Alandy-Bianca King at Gabby Eigenmann-Rochelle Pangilinan.
Budoy malapit nang mag-goodbye
Huling dalawang linggo na ng Budoy na pinagbibidahan ng Drama Prince na si Gerald Anderson. Mula nang umere ito noong Oktubre 2011, sinubaybayan ng mga manonood ang karakter ni Gerald na gabi-gabing nagpapangiti, nagpapaluha, at nagbibigay inspirasyon sa buong pamilya. Ngayong linggo, tunghayan ang mga makapigil-hiningang eksena sa pagtakas nina Grace (Mylene Dizon) at Henry (Cris Villanueva) kasama sina BJ (Enrique Gil) at Jackie (Jessy Mendiola).
Ano ang gagawin ni Budoy para mabawi ang pinakamamahal niyang si Jackie at kapatid na si BJ?
Magtagumpay kaya si Grace at Henry na makaalis ng bansa?
Paano haharapin ni Budoy ang mga problemang pinagdadaanan sa kabila ng kaniyang sakit?
- Latest