^

PSN Showbiz

Pagbalik sa showbiz ni Sunshine matatagalan pa

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Akalain n’yo, makakadalawang anak na si Sunshine Dizon, ang baby ni Mommy Dorothy Laforteza. Parang kailan lang siya ang baby ng mommy niya, ngayon nanay na lamang siya ng mga apo nito. Siyempre, nagbibiro lang ako. Sunshine will always remains as her mom’s baby, ’yun nga lang may ka-share na siya ngayon bilang favorite ng mommy niya.

Paano ba ito, mauuntol na naman ang balak ni Sunshine na balikan ang pag-aartista niya? Ang bilis kasing nasundan ang panganay niya. Kung sabagay, mabuti na rin ’yung magkasunud-sunod ang anak niya. Kapag dumating siya sa tamang bilang na gusto niya, she can always put a stop na sa pagbubuntis. Marami pang oras at panahon. Siguro naman mas happy siya with her family than acting in movies or TV. Kaya naman siyang suportahan ni mister.

Martin instant prinsipe ng TV5

Ngayon lang lumalabas ang husay sa acting ni Martin Escudero. Sayang at nung Kapuso pa siya ay so-so lang ang pag-arte niya kaya kakaunti ang projects.

O baka naman hiyang lang siya sa TV5 kaya siya nagi-effort? At sinusuklian naman ng mga bossing niya ang kanyang pagpupunyagi. He is now considered as one of the network’s princes.

Congratulations sa iyo, Mart!

ASAP parang naging That’s

Ang suwerte naman nina Lorin at Venice, mga anak ni Ruffa Gutierrez, Kapatid man ang nanay nila, Kapamilya naman sila. Nasa ASAP sila kahapon. Tuluyan na kayang magiging Kapamilya ang mga anak naman ni Janice de Belen na sina Moira, Ina, at Khaila?

Aba, parang That’s Entertainment na kung saan ang mga anak ng mga artista ang una kong kinukumbinsing mag-artista. Kapag pumayag na sila at saka naman ako magdi-discover ng mga anak ng non-showbiz.

vuukle comment

DOROTHY LAFORTEZA

KAPAG

KAPAMILYA

MARTIN ESCUDERO

NAMAN

NIYA

RUFFA GUTIERREZ

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with