Wow ang buhay! sa Life and Style
MANILA, Philippines - Wow ang buhay! ang tinalakay sa Life and Style with Ricky Reyes! Pinag-uusapan ang wow na buhay ng dating janitor ng Star city na naging Multi-Milyonaryo.
May sarili na ngayong mansion at ang pinakabibilib ay mayroon na rin siyang sariling Amusement Park na itinayo niya sa kanyang malawak na lupain sa Nueva Ecija. Patutuluyin si Mader Ricky Reyes sa wow na buhay at negosyo ni Ramon Santos.
Taos puso ring ipinadama ni Mader sa mga bata ng Childhaus ang saya ay pagmamahal sa Child’s Day sa Heart’s Day. Doon ipinagdiwang ni Mader at ng mga nagmamahal na kaibigan ang kanilang Valentines Day!
Wow na feelingera. Pangarap ng isang fan ang binigyang katuparan ni Mader, makakausap ng personal at makakapanood pa ng concert ng idolong songbird na si Regine Velasquez.
At para naman bumongga ang buhay ngayong pabagu-bago ang panahon, iwas sakit o karamdaman ang hatid ng inuming nadiskubre ni Mader Ricky. Depensa sa karamdaman ang uusisain sa inuming “lactobiotics” na may live good bacteria na kailangan ng katawan, para wow ang buhay!
At siyempre ’di nawala ang patuloy na pagpapaganda, mga beauty tips sa the NU YU (the new you) ang bonggang make over like no other.
- Latest