Zoren namigay ng townhouse sa ina at mga kapatid
Nakakuwentuhan namin si Lito Legaspi sa set ng Isang Dakot na Luha ng TV5 kung saan gumaganap siya bilang ama ng kontrabidang si Glydel Mercado. Naikuwento niya na pansamantala siyang huminto sa showbiz noon dahil napunta siya sa Carianna Lay Monastery sa Pampanga at nag-stay sa community doon para magkaroon ng life of prayer.
Nabago ang kanyang pananaw sa buhay at ngayon ay nagbabalik-showbiz.
Naikuwento rin nito na umuuwi siya sa townhouse ni Zoren at ayon kay Lito ay napakabait nitong ama at kapatid.
“Binigyan niya ng townhouse ang kanyang mga kapatid na sina Kier, Brandon, at kahit ang ina nitong si Hershey, magkakasama silang naninirahan sa bawat townhouse na bigay ni Zoren. Gusto niyang ma-unify ang kanyang pamilya,” kuwento ni Lito.
Matagal na silang hiwalay ng ina ni Zoren.
Kinita ng MMFF 2011 ibinigay na sa beneficiaries, MMFF 2012 inilatag na
Bongga ang ginagawang appreciation dinner at formal launching ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2012 noong Pebrero 23 sa paanyaya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at MMFF executive committee.
Naroon lahat ang mga artista at iba pang winners para tanggapin ang cash prizes sa pangunguna ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story na nagkamit ng 11 awards. Maagang dumating si Dingdong Dantes na excited na para personal na tanggapin ang best actor award. Kinuha na rin nina John Regala (best supporting actor), Maricel Soriano (best actress), at Eugene Domingo (best supporting actress) ang kani-kanilang award.
Ibinigay din ang tulong ng MMFF sa mga beneficiaries nito kabilang ang MOWELFUND, Film Academy of the Philippines, at ang Motion Pictures Anti-Film Piracy Council.
- Latest