^

PSN Showbiz

Pelikula nina Coco at Angeline 'di na tuloy, Kris-Coco movie, tsugi na rin!

- Veronica R. Samio -

Hindi na matutuloy ang pelikula na pagsasamahan nina Coco Martin at Angeline Quinto. Kung anuman ang dahilan ng pagkaka-shelve ng project, mas maaapektuhan ang young singer dahil first movie sana niya ito. Coco naman is so busy with his numerous projects para makadama ng panghihinayang.

Isa pang project ni Coco na kasama sana si Kris Aquino ang tsinugi rin. Lubhang napakaabala ng presidential sister para makagawa ng pelikula. Bukod kasi sa kanyang Kris TV, may sisimulan siyang isang teleserye na gagawin niyang springboard para makilala siyang aktres kasama sina Anne Curtis at Robin Padilla.

Coco has just arrived from Italy where he and Dawn Zulueta shot several scenes for Walang Hanggan. Masaya pa ito at maganda ang mood para masira lamang ng balitang meron siyang mga trabahong hindi na matutuloy. There is still that project with Judy Ann Santos na nung makausap namin siya sa set ng Walang Hanggan ay sinabi niyang sisimulan na nila sa susunod na buwan.

Nakita nga siya sa isang affair si Juday at kahit nahihiya siya, siya pa ang unang bumati sa aktres dahil hindi niya napigil ang kanyang excitement nang makita si Judy Ann.

Winner ng Miss Olive C gustong mag-showbiz

Gagamitin ng nanalong Miss Olive C ang kanyang titulo para makapag-artista. Inamin ni Rohama Rearte, 16 na taong gulang, may taas na 5’7” at mula sa Antipolo, Rizal na bata pa siya ay talagang puntirya na niya ang makapag-artista pero, hindi niya alam kung paano. Sa pagkakapili niya bilang Miss Olive C sa isang glittering finals na ginanap sa Ynares Sport Center sa Pasig City, bigla ay naalala niya na nagsimula ang pag-aartista ni Hiro Magalona matapos itong manalo bilang kauna-unahang Mr. Olive C. Nananalig siya na katulad ni Hiro ay makita rin siya sa mundo ng showbiz bagama’t bago mangyari ito ay marami pang magagandang plano sa kanya ang CreWorks Asia Agency, sister company ng Psalmstre, na siyang nagtaguyod ng Mr.& Ms. Olive C, isang campus search na layuning gawing image models at endorser ang mga winners ng Olive C, isang sabon na nilikha para sa mga kabataan para magkaroon sila ng unblemished skin.

Kasamang napili ng magandang taga-Antipolo si Aljohn Lucas, 16 na taong gulang din at taga-Taytay naman. Parehong nakatakdang mag-graduate sa high school ang dalawa na nakatakdang maging kinatawan ng bansa sa Oktubre sa Mr. & Ms. Teen Tourism Universe pageant sa Guatemala sa Central America.

Nanalo ng tig-P25,000 sina Rohama at Aljohn  at P100,000 guaranteed modeling contract bilang Mr. & Ms. Olive C at kayang manalo nila sa Guatemala, tumataginting na $3,000 ang iuuwi nila. 

ALJOHN LUCAS

ANGELINE QUINTO

ANNE CURTIS

ASIA AGENCY

CENTRAL AMERICA

COCO MARTIN

MISS OLIVE C

MS. OLIVE C

WALANG HANGGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with