^

PSN Showbiz

Thelma pasok sa Cinequest at Cleveland Film Festival

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Pasok pala sa prestisyosong 22nd Cinequest Film Festival ang pelikulang Thelma.

Mapapanood ang pelikulang pinagbibidahan ni Maja Salvador ng mga Pinoy sa Bay Area. Magsisimula ang movie screening sa February 29, March 8 at March 10 sa San Jose California. Mabibili ang tickets online sa www.cinequest.org.

Bukod sa Cinequest Film Festival, kabilang din ang Thelma sa 36th Cleveland International Film Festival sa March 22 hanggang April 1.

Mag-log on lang sa http://www.clevelandfilm.org/festival/films/2012/thelma para tickets at iba pang detalye.

Matatandaan na noong isang taon ay napabilang din ang Thelma sa Hawaii Film Festival kung saan dumalo mismo sina Maja Salvador, Direk Paul Soriano at Time Horizons producer Rino Que.

 “Nagpapasalamat kami sa patuloy na pagkilala na ibinibigay sa Thelma. Sulit lahat ang pagod at hirap namin sa magandang pagtanggap nila sa movie namin,” sabi ni Maja.

Magaling si Maja sa nasabing pelikula at lumutang ang pagiging aktres niya, hindi nga lang ito gaanong kinagat ng manood dahil sa kakaibang tema.

Mga taga-Showtime bida sa TVC ng Ginebra!

Si Anne Curtis at kanyang mga co-host sa Its Showtime! ang nagbigay buhay sa bagong television commercial ng Ginebra San Miguel, Inc. na pinamagatang Lahing Ginebra, Ikaw Na.

Kasama ni Anne sina Jugs Julueta ng Itchyworms, Teddy Corpuz ng Rocksteddy, Kean Cipriano ng Callalily at Jong Hilario ng Streetboys sa television commercial sa ilalim ng direksyon ni Paulo Villaluz.

Ang naturang TVC ay bilang tanda ng 178 na taon ng Ginebra San Miguel na bahagi na ng buhay ng bawat Pilipino simula pa nung 1834.

“Ang Ginebra San Miguel ang isa na marahil sa mga pinakamatandang gin sa buong mundo. Ngunit tumutugon rin kami sa bagong henerasyon sa pamamagitan ng mga bagong produkto,” wika ni GSMI President Bernie Marquez.

“Ito ay isang pagpupugay sa mga Pilipino,” wika ni GSMI Marketing Manager Nelson Elises.

“Gusto naming ipakita rito na kahit sino pa man sila ay mayroong produkto ang Ginebra San Miguel para sa kanila.”

Makikita sa naturang TVC ang ‘fist bump’ na makabagong paraan para ipakita ang pagsang-ayon at pagtanggap. “Bago ito, mas bata sa ‘high five’ na nakagawian natin,” wika ni Elises.

ANG GINEBRA SAN MIGUEL

BAY AREA

CINEQUEST FILM FESTIVAL

CLEVELAND INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

DIREK PAUL SORIANO

GINEBRA SAN MIGUEL

HAWAII FILM FESTIVAL

IKAW NA

MAJA SALVADOR

THELMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with