^

PSN Showbiz

Dahil sa paghalik sa leeg ni Piolo, Maja naging nega!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Marami ang nagtaka kung bakit panay ang halik ni Maja Salvador sa leeg ni Piolo Pascual sa ASAP nung Linggo. Obserbasyon ng editor ng section na ito na si Ms. Salve Asis, baka pinagseselos ni Maja kung hindi ang boyfriend niyang si Matteo Guidicelli ay ang ex ni Piolo na si KC Concepcion.

Kung ito ang layunin ng young actress, mukhang nagkamali si Maja ng diskarte dahil maraming viewers ang na-turn off sa kanyang ginawa.

Hindi sila nagandahan at lalong hindi sila pabor sa napanood nila.

Paging Maja Salvador, aware ka ba sa reaksiyon ng mga nakapanood sa ginawa mo?

Nora in love na in love kay John

Gumagawa pala ng kanta para kay John Rendez si Andrew E. Kinuha ni Nora Aunor ang serbisyo niya dahil ipaglalabas nito ng album si John. Pagbabalik ni Nora from the US ay baka nakagawa na ng sapat na bilang ng kanta ang sikat na rapper na puwedeng pumuno sa isang album.

Ang sweet naman ni Nora, at hindi pinababayaan ang kanyang “partner”. Kahit ano pang pagtanggi ang gawin niya sa sinasabi at pinaniniwalaan ng lahat na pagkakaroon nila ng relasyon ni John ang mga ginagawa niya para rito ay mga ebidensiya na magpapatunay na more than friends sila ni John.

Bukod sa planong paglalabas ng album nito, hindi rin niya ito iniwan nang bumalik siya ng Amerika. She could have come back for him dahil hindi naman niya ito maaasikaso dahil ipagagamot niya ang kanyang boses pero isinama pa rin niya itong pabalik, siguro para hindi siya nag-iisa at may mag-aalaga sa kanya. Ahhh, that’s what we call love.

Grace Lee sinapawan na si Kris

Dapat expected na hindi lamang ng ina ni Grace Lee kundi maging ng buo niyang pamilya ang unti-unting pagkawala ng kanilang privacy. Ma-link ba naman siya sa pinaka-mataas na opisyal ng bansa, talagang tiyak pag-uusapan ka at dudumugin ng tao sa tuwing ikaw ay makikita.

This is the price Grace Lee has to pay for having a suitor as popular and as powerful as the president of the country. Hindi naman siya umiiwas na mapag-usapan ang kanilang courtship, katunayan ay nakakapagbigay pa siya ng mga detalye at impormasyon sa kanilang paglabas-labas. Kung ang madaldal na kapatid ni P-Noy na si Kris Aquino ay parang nabusalan, kaya walang naririnig na komento ito o reaksiyon sa love life ng kanyang kuya ‘di tulad dati na animo’y siya ang tumatayong PRO nito, ngayon ay sa magandang Koreana na mismo nakakakuha ng balita ang media.

Ganyan talaga, dapat masanay na si Grace at ang pamilya niya. 

ANDREW E

GRACE LEE

JOHN RENDEZ

KRIS AQUINO

MAJA

MAJA SALVADOR

MATTEO GUIDICELLI

NIYA

NORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with