^

PSN Showbiz

Barbie hindi pa sigurado kung makakasama sa Hollywood!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Sosyal ang presscon kahapon ng The Road dahil nag-invite ang GMA Films ng foreign correspondent, si Floyd Whaley ng The New York Times.

Siyempre, umiral ang aking pagiging social climber kaya tsinika-tsika ko si Floyd. Hindi ko siya pu­wedeng dedmahin dahil magkatabing-magkatabi kami sa upuan.

First time ni Floyd na mag-cover ng isang showbiz presscon kaya halata sa mukha niya ang pagkagulat dahil sanay siya sa mga press conference na may kinalaman sa pulitika.

Inimbitahan si Floyd ng GMA Films dahil ipalalabas sa mga sinehan sa Amerika ang The Road, ang critically-acclaimed horror movie ng direktor na si Yam Laranas.

Malaki ang maitutulong ni Floyd at ng New York Times para malaman ng American people na mapapanood nila sa U.S. ang pinag-uusapan na pelikula ng GMA Films.

Proud na proud si Yam dahil pumayag ang Freestyle Releasing na i-distribute sa U.S.ang pelikula na pinaghirapan niya.

Ang sey ni Yam, excited siya sa nangyari sa The Road dahil history-making ito.

“I am very excited for GMA Films in this history-making and pioneering development for The Road. This opens a ton of possibilities in the international arena not just for GMA Films or GMA Network but also for GMA Pinoy TV. This only proves that quality entertainment of international standards is of high importance to the network,” ang sey  ni Papa Yam.

Bago pa ipinalabas ang The Road sa mga sinehan sa Pilipinas, umani na ng magagandang reviews ang pelikula mula sa international film critics. Creepy to the extreme ang review sa The Road ng www.killerfilm.com.

Starring sa The Road si Barbie Forteza pero hindi ito sure kung ka-join siya sa mga artista na lilipad sa Hollywood para sa sosyal na red carpet premiere na gaganapin sa May 9 sa Mann Chinese Theater.

Sinabi ko kay Barbie na kung papayag ang GMA Films, mag-join siya sa US trip para magkaroon siya ng US Visa.

Hindi pa nakakarating sa Amerika si Barbie at ang pag-apir sa premiere night ng The Road ang perfect chance para makarating siya sa land of milk and honey.

Pero kung gusto ni Barbie na isama sa U.S. ang kanyang madir o fadir, sila na lang ang magbayad ng kanilang plane fare dahil hindi na ‘yon kasama sa budget ng GMA Films.

Ang sey naman ni Barbie, okey lang na hindi siya makarating sa Amerika dahil mas importante na na­kagawa siya ng isang pelikula na gaya ng The Road na maipagmamalaki niya.

Bagets pa naman si Barbie kaya malaki pa ang chance niya na makabiyahe sa Amerika sa ibang panahon.

Umapir din kahapon sa presscon ng The Road sina Marvin Agustin at Alden Richards.

Happiness ang nararamdaman nina Marvin at Alden dahil maipalalabas sa U.S.theaters ang kanilang pelikula.

Nagpasalamat ang dalawa sa Diyos at sa GMA Films dahil naging parte sila ng The Road.

Hindi nagtagal si Marvin sa presscon dahil umalis din agad siya. Hindi na niya narinig ang announcement na kasali rin ang The Road sa Brussels International Fantastic Film Festival na idaraos sa April 5 hanggang April 17, 2012.

Angelicopter nasa bakasyon pa

Hindi pa nagsasalita si Angelicopter tungkol sa isyu na natsugi siya sa radio program nila ni Grace Lee dahil ito ang nagpatanggal sa kanya.

Ang sabi ng isang malapit kay Angelicopter, out of town pa ito at malamang na harapin niya ang isyu kapag bumalik na siya sa Metro Manila.

Hindi pa rin nagpapaliwanag si Grace na pinili raw ng management ng radio network dahil sa koneksiyon niya kay P-Noy.

Huwag muna nating i-judge si Grace hanggang hindi natin nalalaman ang puno’t dulo ng iringan nila ni Angelicopter. May mga nagsasabi kasi na Korean si Grace kaya wala itong karapatan na mang-api ng mga Pilipino.

Matindi ang mga batikos laban kay Grace porke nag-nega siya dahil sa hilig niya na magpaintebyu tungkol sa romance nila ni P-Noy.

AMERIKA

ANGELICOPTER

BARBIE

DAHIL

FLOYD

GMA

ROAD

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with