^

PSN Showbiz

Cesar magre-remake ng pelikula ni Da King

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ipapapanood mamaya sa press ni Cesar Montano ang Hitman bago ang showing nito sa Feb. 22. Ang aktor din ang director/scriptwriter/producer at tumulong sa editing at gumawa ng theme song na Oh, Diyos Ko. Umaasa si Buboy na ang pelikula na ang tuluyang magpapabalik sa sigla ng action movie.

Sobrang thankful si Cesar kay Vic del Rosario at Viva Films sa paniniwala at tiwala sa kanya na suportado ang vision niya sa movie. Umabot sa P20 million ang budget ng Hitman na produced ng CM Films at distributed ng Viva Films.

Malaki at maganda ang role ni Mark Herras sa pelikula at matutuwa ang huli sa sinabi ni Cesar na given the chance, gusto niyang isama uli siya sa next project niya dahil magaling na actor at mabait pa.

Samantala, kung matutuloy ang balak nina Cesar at Boss Vic, ang aktor ang next na magre-remake ng movie ni Fernando Poe Jr., at ito’y ang Maestro na ipapasok sa 2012 Metro Manila Film Festival. For the said project, magpapatilya si Cesar.

Gloria hindi pinakawalan ng Siete

Tinotoo ng GMA 7 ang sinabing hindi nila pakakawalan si Ms. Gloria Romero after Munting Heredera dahil balitang, two shows ang magkasunod nitong gagawin. Wala pang confirmation pero kasama ang veteran actress sa action-drama soap ni Richard Gutierrez.

May isa pang project si Ms. Gloria na binanggit pero kukumpirmahin pa namin. May offer ang ibang network sa veteran actress, kaya lang, mas gusto nitong mag-drama kaya ang offer ng Channel 7 ang pinaboran.

Tila sa March magsisimula ang taping ng action-drama series ni Richard, by that time, nakapagpahinga na si Ms. Gloria at puwede na uling sumabak sa taping.

vuukle comment

BOSS VIC

CESAR MONTANO

DIYOS KO

FERNANDO POE JR.

GLORIA ROMERO

HITMAN

MARK HERRAS

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MS. GLORIA

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with