^

PSN Showbiz

Dr. Vicki umiyak kay Cristalle, sobrang nasaktan sa ginawa ni Hayden

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Hindi pa tiyak ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez kung magkakaroon ng repeat ang kanilang Mr. & Mrs. A concert dahil tingin nila, parang hindi na mauulit ang ginawa nila sa nakaraan nilang concert. Bukod pa dun, pang-Valentine’s Day pa ang concept ng naturang concert kaya hindi na bagay kung uulitin pa.

Marami rin ang nagsa-suggest sa kanila na gumawa sila ng sitcom sa GMA 7 na gamitin ang ganung title at pinag-iisipan nga nilang magandang ideya ’yun.

Kung sitcom lang, kaya na ni Regine ’yun na hindi maka­sagabal sa pag-aalaga niya sa kanilang Baby Nate. Pero magpapayat pa ito nang bonggang-bongga bago siya sumalang sa taping kung sakaling matutuloy ‘yun sa GMA 7.

PAK : Kapag may mga dumarating na reporters na gustong mag-inteview sa magulang ni Grace Lee, nagtatago na sila dahil wala naman silang masasabi tungkol sa namamagitan sa kanilang anak at kay P-Noy. Matatandaang nakiusap si president Noynoy Aquino na ‘wag idamay ang magulang ng nililigawan niya.

BOOM : Ang latest na narinig namin sa hiwalayang Vicki Belo at Hayden Kho, Jr., galit na ang huli sa doktora kaya nagsasalita na itong may ibang lalaking karelasyon si Dr. Belo.

Mag-isa ngang umalis pa-Amerika ang doktora at ang anak nitong si Direk Quark Henares ang ka-Valentine niya roon. 

Nagsalita na rin ang isa pa niyang anak na si Cristalle Henares na napaiyak nga sa kanya ang kanyang mommy at doon niya nakitang nasaktan ito nang husto. Pero mukhang desidido na ang mom niya na makipaghiwalay na talaga kay Hayden.

Malalaman na lang pagbalik ni Dr. Vicki galing Amerika.

vuukle comment

AMERIKA

BABY NATE

CRISTALLE HENARES

DIREK QUARK HENARES

DR. BELO

DR. VICKI

GRACE LEE

HAYDEN KHO

MRS. A

NOYNOY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with