Future mother-in-law ng presidente mas dinadagsa ng mga usisero
Madaling mahanap ang grocery store ng nanay ni Grace Lee sa Pearl Drive, Ortigas Center, Pasig City.
Nagkuwento si P-Noy na nawalan na rin ng privacy ang madir ng kanyang rumored dyowa dahil pinupuntahan ng mga tao ang grocery store ng ina ni Grace.
Ang hindi alam ni P-Noy, lalong na-curious ang mga tao na makita ang grocery store ni Mrs. Lee dahil sa kanyang kuwento. Mrs. Lee daw o!
Hindi lamang mga ordinary people ang nakikiusyoso sa grocery store dahil pinupuntahan din ito ng media.
Pero marunong nang umiwas si Mrs. Lee dahil nagpapanggap din siya na isa sa mga kostumer kapag nararamdaman niya na may mga reporter na type na mag-interbyu sa kanya.
Katulad noong Biyernes ng gabi, sikretong bumisita sa grocery store ni Mrs. Lee ang crew ng isang TV show pero matalas ang pakiramdam ng madir ni Grace. Biglang nag-disappearing act si Mrs. Lee nang ma-sense nito na pumasok sa kanyang tindahan ang mga media people.
At least, alam na natin ngayon na hindi nagmana si Grace sa kanyang mother dear. Camera shy si Mrs. Lee kontra sa anak niya na mahilig magpainterbyu.
Hitman hindi halatang nilimitahan ang budget
Masipag sina Cesar Montano at Phillip Salvador sa pag-promote ng kanilang action movie, ang Hitman na showing sa mga sinehan sa February 22.
Masipag ang dalawa dahil gusto nila na mapanood ng mga tao ang kagandahan ng kanilang pelikula.
Kahit sinasabi ni Cesar na limitado ang budget ng Hitman, walang naniniwala dahil malalaki ang mga eksena.
Magkakaroon ang Hitman ng red carpet premiere sa SM Megamall Cinema sa February 21 at chance ito ng mga tagahanga ng action movie na maunang mapanood ang pelikula na ipinagmamalaki nina Cesar at Phillip.
DaiAna walang planong lumayas ng ’Pinas
Hindi ako naniniwala sa tsismis na iiwan ni Daiana Meneses ang Pilipinas dahil may offer sa kanya na mag-artista sa bansa niya sa Brazil.
Paano iiwan ni Daiana ang Pilipinas eh enjoy na enjoy siya rito?
Sa Pilipinas, artista ang trato kay Daiana pero sa Brazil, ordinary citizen lamang siya dahil mas marami ang magagandang babae sa lugar na kanyang pinanggalingan.
Kamakailan lang nang bumalik si Daiana sa Pilipinas mula sa ilang linggo na pagbabakasyon sa Brazil. Hindi niya ginaya si Akihiro Sato na talagang nag-goodbye Philippines , bumalik sa Brazil at nagpasya na hanapin sa ibang bansa ang kanyang kapalaran.
Billboard ni Alden nakabalandra sa EDSA
Nakabalandra na sa EDSA ang giant billboard ni Alden Richards para sa isang clothing company.
Dream come true para kay Alden na magkaroon ng billboard sa EDSA. Kung happy si Alden, mas maligaya ang kanyang lola dahil pangarap din nito na magkaroon ng billboard ang kanyang favorite apo.
Hindi true ang tsismis na trunks ang suot ni Alden sa kanyang billboard. Ipinagbabawal na ng MMDA ang mga sexy billboard sa kalsada.
Topless si Alden sa billboard pero short pants at hindi trunks ang suot niya ‘no!
Annabanana commercial sangkatutak ang hits
Naloka ako nang mapanood ko ang Annabanana TV commercial dahil may connect ito sa email na natanggap ko mula sa isang nanay na nakiusap na tulungan ko siya para magkaroon ng maraming hits ang Youtube video ng kanyang anak na lalake na aspiring star.
May TV commercial na ang bagets para sa PLDT MyDSL at sangkatutak na ang hits ng kanyang Annabanana video sa YouTube. Sosyal ang mag-ina dahil mga TV ad stars na sila!
Regine sa anniversary na uli mag-a-Araneta
Hindi na pala magkakaroon ng repeat ang successful concert nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid dahil malapit na itong ipalabas sa GMA 7.
Mahirap nang planuhin ang repeat ng Mr.& Mrs. A. dahil mapapanood na ito sa Kapuso network.
Ang dinig ko, anniversary concert ni Regine ang next plan ng mga produ ng Mr. & Mrs. A.
- Latest