^

PSN Showbiz

Judy Ann nakukulangan pa sa pagho-host

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Mamayang gabi ay makikilala na kung sino kina Kyle, Jobin, Mika, at Philip ang tatanghalin na kauna-unahang Pinoy Junior Master Chef.

Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ng host ng Junior Master Chef Pinoy Edition na si Judy Ann Santos dahil napamahal na sa kanya ang mga bata dahil magkakasama sila ng mahigit pitong buwan.

“Happy at sad kasi matatapos na siya and heto na, nag-i-excel na lahat ng mga bata at alam mo in your heart na you’ve been a part of their experience and it’s a very good experience for me and for the kids as well,” pahayag ni Judy Ann.

“Napalapit ako sa kanila, lahat talaga sila. Medyo mahiyain kasi itong mga batang ito eh. Iniisip ko na lang na hanggang sa pagtanda nitong mga batang ito, parte ako ng kabataan nila at naging malaking part ako ng pag-aaral nila ng pagluluto. Ngayon lang naman tayo nagkaroon ng ganitong show na talagang nai-showcase ang talent ng mga batang Pilipino. So with the show alam ko in our own little way naka-inspire tayo ng mga tao,” dagdag pa ng aktres.

Natutuwa si Juday dahil naging matagumpay ang kauna-unahan niyang hosting job pero mayroon pa siyang ilang mga bagay na dapat matutunan.

“Ang assessment ko sa sarili ko sa pagho-host, needs improvement. Nag-e-enjoy ako pero parang hindi ko alam kung tama ’yung ginagawa ko. Parang gusto ko lang mas maging at home pa ako sa pagiging host kasi maliban sa masarap siyang gawin, napakagaan niyang trabaho,” paglalarawan pa niya.

Matapos ang ‘isnaban’ Sarah at Vice magtutuos na!

May bulung-bulungan na mayroong alitan sina Vice Ganda at Sarah Geronimo dahil sa hindi pag-guest ng Pop Princess sa concert ni Vice noong isang taon sa Smart Araneta Coliseum. Nagkataon kasi na nasa ibang bansa si Sarah noong mismong araw ng nasabing concert ng komedyante.

“Siyempre gusto ko ring makapag-guest sa concert ni Vice kung nandito ako or kahit sinong Kapamilya natin sa Viva,” paglilinaw ni Sarah.

Matatandaang nag-guest din ang dalaga sa concert ni Anne Curtis kamakailan.

Naniniwala si Sarah na hindi totoong may sama ng loob sa kanya si Vice at matutuldukan na ang isyu sa pagitan nilang dalawa bukas dahil magge-guest si Sarah sa Gandang Gabi Vice para sa farewell episode ng nasabing show.

“I don’t think totoo ’yun kasi hindi naman ganun kakitid ang isip ni Vice. Ang tali-talino ni Vice. Naiintindihan din niya ’yung posisyon ko bilang kapwa artista, na kapwa busy na artista,” giit pa ng dalaga.

Samantala, huling guest appearance na rin ni Sarah bukas sa ASAP Rocks dahil sa susunod na linggo ay magsisimula na ang kanyang bagong show na Sarah G Live.

Reports from JAMES C. CANTOS

ANNE CURTIS

GANDANG GABI VICE

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

JUNIOR MASTER CHEF PINOY EDITION

PINOY JUNIOR MASTER CHEF

POP PRINCESS

SARAH

VICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with