^

PSN Showbiz

Angelito, dinukot si Jun-Jun!

-

MANILA, Philippines - Para huwag mawalay sa anak na si Jun-Jun (Joshen Bernardo), ipapasakamay ni Angelito (JM De Guzman) ang batas at magagawang kidnapin ang sari­ling anak para lang hindi ito makuha ng inang si Rosalie (Charee Pineda) sa Angelito: Batang Ama. Matapos kumonsulta sa abogado, tuluyan na ngang naging desperado si Angelito lalo pa nang sabihin nito sa kanya na mas may laban si Rosalie sa kaso kaysa sa kanya.

Mas lalo pang tumindi ang emosyon nang pormal niyang nakuha ang subpoena na nag-uutos sa kanya na dumalo sa isang hearing. Huli na nang malaman ng lahat ang ginawa ni Angelito at lahat sila ay walang ideya kung saan nagpunta ang mag-ama. Saan nga ba dadalhin ni Angelito si Jun-Jun? Magagawa ba ni Rosalie na magsampa ng kaso ng kidnapping sa mismong ama ng kanyang anak?

Walang bibitiw sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang Angelito: Batang Ama, 3:15 PM pagkatapos ng Mundo Man ay Magunaw sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

ANGELITO

BATANG AMA

CHAREE PINEDA

DE GUZMAN

HULI

JOSHEN BERNARDO

JUN-JUN

KAPAMILYA GOLD

MUNDO MAN

ROSALIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with