^

PSN Showbiz

Richard sa Bohol nag-V-Day kasama ang bagong girl?!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Napaka-misteryoso naman nitong si Richard Gutierrez na sa probinsiya ni Cesar Montano nagpasyang salubungin ang Valentine’s Day. Bakit kaya, may babae kaya na nakabihag ng kanyang puso sa lugar na iyon?

Wala naman dapat itago sa publiko ang napaka-poging aktor. Sooner or later, matutuklasan din ng lahat kung may bago na siyang girlfriend. It’s just a matter of time.

Nasa edad na naman si Chard para magkaroon ng girlfriend. Kailangan niya ng inspirasyon lalo na ngayong nagpasya itong magpaka-mature na sa kanyang pag-aartista.

V-Day para kay God din

Kahit gaano na ka-komersiyal ang Valentine’s Day ay pinakaaabangan pa rin ito ng marami, may ka-partner man o single. May kakilala nga ako, walang boyfriend pero na­ging masaya ang selebrasyon niya ng V-Day. ’Di bale nang walang boyfriend, she bought flowers for her mother, her best friend, ang chocolates for herself. Oh eh, nakaraos siya. At tunay ang kasiyahang nakita ko sa kanya ha?

Who says na kailangan mo ng karelasyon para maging masaya ang Valentine’s Day? Hindi lang naman pang mag-boyfriend o girlfriend ang V-Day. Para sa lahat ito na may minamahal — magulang, kapatid, o kaibigan. Did you remember to show God your love? He deserves all those beautiful flowers, above anyone else.

Argentinian boxing fans dapat kondEnahin!

Napakapikon naman pala ng mga Argentinians. Hindi nila tinanggap ng maganda ang pagkatalo ng kanilang kababayan sa kamay ng ating boksingerong si Johnriel Casimiro. Nakita sa TV kung paano sinugod sa ibabaw ng ring at sinaktan ang Pinoy matapos na ianunsyo ang pagkapanalo nito. Tsk!

Ang dami-dami ng Mehikanong tinatalo ang mga boksingerong Pinoy pero never silang nakatikim ng pananakit ng mga Mehikano. Kailangan talagang kondenahin ang mga Argentinians sa pagiging pikon. 

ARGENTINIAN

ARGENTINIANS

BAKIT

CESAR MONTANO

DAY

JOHNRIEL CASIMIRO

KAHIT

KAILANGAN

PINOY

RICHARD GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with