^

PSN Showbiz

Malaking endorsement ng actress nakawala, demand na TF 'binaril' ng bossing

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Talent fee pala ang rason kaya tuluyang natsugi sa isang commercial ang actress.

Plantsado na raw sana ang lahat at may schedule na ang shooting para sa endorsement pero nag-demand ng dagdag na TF ang kampo ng actress. Nakalusot daw sa mga immediate bossing pero nang makarating sa kataas-taasan, ‘binaril’ ang demand na dagdag. Kaya ang ending, tsinugi ang actress na magiging endorser sana nila. Mas pinili raw nilang kumuha ng iba.

Nanghihinayang ang malalapit sa aktres dahil malaking endorsement ang nakawala rito. Malaki raw sana ang matutulong ng endorsement na ito sa career ng actress.

Jessy tanggap na hindi na sila puwede ni Gerald, napunta na kay Sarah

Dalawang taon na palang no rice diet ang young actress na si Jessy Mendiola.

Kaya naman ang perfect ng kurba ng katawan niya, tamang-tama sa edad niya.

Disiplinado rin siya sa pagkain at regular ang bisita sa gym. At naisasabay pa niya ang pag-aaral. At siyempre, active ang showbiz career at on the side, may negosyo na pala siya. May franchised siya ng Bubbatea Licious sa The Loop ng ABS-CBN. Almost two years na raw ang nasabing negosyo pero ngayon lang siya ginawang endorser.

Samantala, malabo nang ma-link sina Jessy at Gerald Anderson ngayong open na ang tungkol kina Gerald at Sarah Geronimo.

Nababaitan naman siya kay Sarah dahil everytime na magkikita raw sila sa ASAP parati siya nitong binabati. “Okay naman. Kung talagang sila, eh ‘di sila,” say niya.

Para raw silang sina John Lloyd at Bea Alonzo ni Gerald dahil hindi talaga sila puwedeng ma-link pero click silang magka-loveteam. “Masaya na ako na nag-partner kami, ‘yung fans niya mabait sa akin. At kahit nali-link kami   ay nandun pa rin ang professionalism,” dagdag ng pretty young actress.

After ng Budoy may gagawin agad teleserye si Jessy sa ABS-CBN.

TV host nagsumbong, Presidente Noynoy nakialam na sa pangha-harass sa nanay ni Grace Lee

Uy mukhang nag-level up na ang relasyon nina Presidente Noynoy Aquino at TV host na si Grace Lee. Imagine nakikiusap siya (presidente) na huwag naman i-harass ang future mother in law niya (nanay ni Grace Lee).

Lately daw kasi ay kinukuyog si Mrs. Lee at dumating sa puntong kailangan nitong magpanggap na costumer sa sarili niyang grocery store. Naawa raw ang presidente na nadadamay ang magiging mother in law niya kung saka-sakali.

So obviously nagsumbong sa kanya ang nililigawan o GF na ng presidente. Kasi kung hindi paano naman malalaman nito.

vuukle comment

BEA ALONZO

BUBBATEA LICIOUS

GERALD ANDERSON

GRACE LEE

JESSY

JESSY MENDIOLA

JOHN LLOYD

KAYA

MRS. LEE

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with