Libing ni Whitney pampamilya lang!
MANILA, Philippines - Ihahatid na sa huling hatungan ang singer na si Whitney Houston ngayong Sabado sa New Hope Baptist church kung saan una niyang ipinalamas ang kanyang talent nung bata pa siya. Ito ang pinili ng pamilya para sa funeral para magkaroon sila ng privacy.
Merong 1,500 seats ang simbahan ayon kay Carolyn Whigham, owner ng Funeral Home nung Martes.
Walang balak na magbigay ng public memorial service ayon sa Houston family.
Ang church service ay by invitation lamang, ayon din kay Ms. Whigham, na desisyon ng pamilya Houston.
“The family thanks all the fans, the friends and the media, but this time is their private time,” dagdag na impormasyon ni Ms. Carolyn.
Namatay si Whitney nung Sabado sa Beverly Hills Hotel.
Sa official na report, natagpuan si Whitney sa bathtub na nakalutang at wala nang buhay.
Bernadette, maninindigan para sa mga nawala sa katinuan
Kadalasan ay ikinukulong, hinahayaang pagala-gala, at pinagtatawanan ang mga taong may diperensiya sa pag-iisip na sa mata ng mapanghusgang lipunan ay mga ‘baliw’ na pilit iniiwasan.
Ngayong gabi sa Krusada, susuriin ni Bernadette Sembrano Aguinaldo kung nabibigyan ng tamang atensiyon ang kakulangan sa mental health care facilities ng bansa. Aalamin din niya kung ano ang ginagawang aksiyon ng pamahalaan para tugunan ang pangangailangan ng mga taong nawala na sa katinuan.
“Nakakalimutan po natin na ang mga taong ito ay may sakit na nangangailangan ng medical na atensiyon para gumaling. Dapat nating isipin kung gamot at pagpapa-ospital nga lang ba ang tanging solusyon upang bumalik sila sa normal,” ani Bernadette.
Ilang pasyente na ring may karamdaman sa pag-iisip ang natulungan ni Bernadette sa ilang taong niyang pagiging bahagi ng Lingkod Kapamilya ng ABS-CBN Foundation. Ilan lamang sa mga nailigtas nila ang babae sa kulambo sa Guinobatan, Albay at ang magkakapatid na Reodava ng Aklan na ngayo’y bumalik na sa normal ang pag-iisip.
Kahit may mga psychiatric units man o day-treatment centers sa bansa, pawang maliliit na pasilidad lamang ang mga ito at kadalasan pa ay makikita lamang sa Maynila. Dahil sa naging karanasan ni Bernadette sa pagtulong sa kanila, talagang mas umigting pa ang kanyang paniniwala na kaya pang gumaling ng mga may diperensiya sa pag-iisip.
Mga Inosenteng napag-tripan nang nag-iinuman
Isang maaksiyong episode na naman ang hatid ni Arnold Clavio sa Rescue ngayong Huwebes ng gabi sa GMA-7!
Duguan nang matagpuan ng mga Rescuer ang tatlong lalaking biktima ng rambol sa Barangay Cembo, Makati noong Linggo ng gabi. Isa sa kanila, nagtamo ng pinsala sa ulo makaraang paluin umano ng bakal samantalang ang dalawa pang biktima, hampas naman ng bote ang tinamo.
Sa pagsisiyasat, napag-alamang napagtripan lang daw ang mga biktima ng isang grupo na nag-iinuman. Agad rumesponde ang Barangay Cembo Rescue para magbigay ng paunang lunas. Pero dahil tatlo ang biktima at wala silang ambulansiya, sumaklolo na rin ang Makati Rescue sa pinangyarihan ng gulo.
Samantala, isang lalaki naman sa Valenzuela ang nakursunadahan din ng mga lasing dito. Matapos saksakin sa balikat gamit ang isang patalim, kinailangang lagyan ng tubo sa tagiliran ang lalaki para hindi pasukin ng hangin ang kaniyang baga.
Abangan ang mga ito sa Rescue ngayong Huwebes ng gabi, pagkatapos ng Saksi, sa GMA 7!
- Latest