Kapuso stars rumampa sa Korea
MANILA, Philippines - Muli nating ipinagmalaki ang mga Kapuso star na rumampa sa Asian Supermodel Festival sa Korea noong Enero 16-18, 2012. Nakipagtagisan ng galing laban sa iba pang mga kinatawan sa buong Asya ang mga GMA Artist Center talents na sina Gwen Zamora, Marvin Kiefer, at Mike Tan.
Ipinagkaloob naman ang Model Star Award kina Mike Tan at Gwen Zamora habang nakuha ni Marvin Kiefer ang award para sa Best in Traditional Costume.
Tulad ng nagdaang mga taon, ang designer na si Nono Palmos ang naghanda ng mga award-winning costume na ginamit sa kompetisyon.
Kasama rin si GMA Artist Center Head Ida Henares sa kompetisyon dahil isa siya sa napiling mga hurado para sa paligsahan. Siya rin ang natokang magbigay ng special award para sa isang pop singing group.
- Latest