Gary hindi mababakante!
Puno na ang schedule ni Gary Valenciano, first quarter pa lang ng 2012 at sa kuwento nito, hindi siya mababakante hanggang second quarter. Mamayang gabi, start ng campus tour niya na magsisimula sa UP Sunken Garden kasama ang mga anak na sina Paolo at Gab Valenciano. Next nilang bibisitahin ang UST sa Feb.18.
Excited din si Gary sa With Love segment niya sa ASAP na nagpi-feature ng positive stories. Lifted sa CD niya with the same title ang segment at natuwa ito sa suggestion na gawing TV series ang nabanggit na segment.
Nagsu-shooting na rin siya ng Unitel movie na I Do Bidoo Bidoo sa direction ni Chris Martinez. Musical ang movie based sa songs ng APO - 14 songs ng APO ang isasama sa movie at four songs ang kakantahin niya. Kapareha niya si Zsa Zsa Padilla at sila ang parents ni Tippy Dos Santos.
Makakalaban ng pamilya nila sina Ogie Alcasid at Eugene Domingo na gaganap na mag-asawa at anak naman si Sam Concepcion. Maglalabas sila ng OST ng movie at sobrang excited ni Gary to be doing a movie after 1995.
Pinaplano na rin ang concert series niya sa Music Museum sa April at May, wala pa itong title, pero tatagal ng six nights. Ang mga anak na sina Paolo at Gab ang tumutulong sa conceptualization ng concert series.
Ang mga anak din together with Kiana ang guests ni Gary sa kanyang US Tour sa June. Bago matapos ang taon, two albums pa ang gagawin niya.
Natawa si Gary sa nabanggit naming everytime na nakakausap namin siya, may bagong GF ang anak na si Gab. The last time, it was Isabel Oli and now kay Coleen Garcia naman ito nali-link.
Fabio kinarir ang pananagalog wala nang dialogue sa My Beloved
Determinadong matuto ng straight Tagalog si Fabio Ide, kaya kumuha ng tutor, kaya lang, wala yata siyang speaking lines sa My Beloved. Paano niya mapa-praktis ang Tagalog niya? First serious role pa naman daw ang ginagampanan niya sa nasabing soap bilang isa sa angel of death.
Dahil laging nakahubad at naka-tapis pa, Tarzan daw ang tawag sa kanya sa taping na tinatanggap at tinatawanan lang nito. Naaliw kami sa expression ni Fabio nang sabihin ng isang reporter sa presscon ng My Beloved that he has a perfect face and a body to die for. Hindi nito alam kung magiging kaswal lang o mapa-flattered, basta hindi naman siya narinig nag-“thank you” dahil nabigla siguro sa compliment.
Solo show ni Kathryn Bernardo sa BHutan pa kukunan
Sa Bhutan pala kukunan ang ilang eksena sa bagong soap ng ABS-CBN na kundi kami nagkakamali’y, You Are Always in My Heart ang title at bida si Kathryn Bernardo. Kabilang si Enrique Gil sa three leading men ng young actress at sa February 27, na raw ang alis.
Kasama sa cast si Albert Martinez na ang tsika sa amin, magpapakalbo dahil siya ang gaganap na hari.
Pamilyar sa fans ng Meteor Garden 2 ang Bhutan dahil galing dito ang naging kontrabida sa pag-iibigan nina Dao Ming Si (Jerry Yan) at San Cai (Barbie Shu).
Dating taga-bitbit ng bag ng La Diva may endorser na ngayon
Tingnan n’yo nga naman at nakakuha pa kami ng tsika. Ex-BF pala ni Jonalyn Viray ang bagong endorser ng Coke ngayon na si Caloy. Ang binata pala ang laging karay-karay ng La Diva member dati na paalala pa nga ng isang reporter, walang kiyeme na binibitbit ang bag ni Jonalyn.
Samantala, mamayang gabi ang One Love concert ni Jonalyn sa Metro Bar kasama ang Down to Mars. Isa sa members ay crush siya dahil bukod sa magaling kumanta, gentle at mabait daw ang singer.
- Latest