^

PSN Showbiz

Angel at John Lloyd kung saan-saan lang nagtitikiman

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

MANILA, Philippines - Graded B ng Cinema Evaluation Board ang pelikulang Unofficially Yours staring John Lloyd Cruz at Angel Locsin.

True, umaatikabong halikan at love making ang ginawa nina Angel at John Lloyd sa pelikula na parang nakakapanibago dahil nasanay tayo na pa-cute cute lang si John Lloyd. Meron pang eksena na parang may lindol sa pad ni John Lloyd dahil sa sobrang wild ng love making nila. Meron din silang encounter sa kotse at kung saan-saan pa. Pero swak sa kanila ni Angel ang role.

Lifestyle writer si Angel na employed sa isang broadsheet. Si John Lloyd ay isang dentista pero piniling magsulat at si Angel ang nagsilbi niyang trainor - habang nag-OJT sa isang broadsheet.

Pero nagkatikiman na pala sila at ayun habang tumatagal sa kanilang tra­baho, nai-in love na si John Lloyd sa character ni Angel na sex lang ang interes at walang planong makipag-commit.

Matigas ang puso ni Angel (Cez). Kahit mahal na siya ni John Lloyd (Mackie), hindi siya makumbinsing makipag-relasyon. ‘Yun pala natatakot si Angel dahil na-trauma siya sa nakarelasyon niya noon kung saan doble-dobleng sakit ang kanyang naramdaman kaya takot na uli siyang ma-in love.

Ang ending. Watch na lang ninyo. Palabas na simula ngayong araw ang pelikula na dinirek ni Cathy Molina-Garcia for Star Cinema.

Sarah G. mas matapang at mas mapangahas na

Handang-handa na si Sarah Geronimo sa kanyang sariling live solo musical variety show sa ABS-CBN - Sarah G. Live.

Mas matapang at mas mapangahas na Sarah tuwing Linggo ng gabi tampok ang kanyang mga hindi mapapantayang world-class concert performances na magpapatunay na siya ang pinakama­ningning na bituin ng kanilang henerasyon. Bukod sa kanyang singing talent, ibabahagi rin ni Sarah sa Sarah G. Live ang kanyang mga personal na karanasan at ilang never-before-seen Sarah G. moments na tiyak ikaliligaya ng fans.

Mula sa pagiging kampyeon ng Star for a Night sa edad na 15, masasabing malayo na ang narating ni Sarah sa rami na ng kanyang natamong tagumpay bilang isang recording artist, concert performer, aktres, host, at maging bilang isang product endorser.

Makakasama ni Sarah na magpapasaya sa Sarah G. Live ang co-host niyang si Luis Manzano, musical director Louie Ocampo, choreographer Georcelle Dapat-Sy, at director Erick Salud.

Tampok din sa show ang G Force at si Gab Valenciano bilang dance performers and isang special guest co-host kada linggo na magsisimula sa Pebrero 26 (Linggo), pagkatapos ng Rated K.                                                                         

vuukle comment

ANGEL

ANGEL LOCSIN

CATHY MOLINA-GARCIA

CINEMA EVALUATION BOARD

ERICK SALUD

G FORCE

JOHN LLOYD

SARAH

SARAH G

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with