^

PSN Showbiz

Sasagasa sa Eat Bulaga at It's Showtime!

- SEEN SCENE -

SEEN: Walang dapat ipag-alala ang mga supporter ni Pauleen Luna dahil hindi naapektuhan ang kanyang ilong ng pagkahimatay niya noong Lunes.

Live na napanood sa Eat Bulaga nang mawalan ng malay si Pauleen sa remote telecast ng Juan for All, All for Juan sa  San Juan, Davao City.

SCENE: Ipinangako ng direktor na si Erik Salud na ibang Sarah Geronimo ang mapapanood sa Sarah G. Live!

Ang show ni Sarah ang ipapalit sa timeslot ng Gandang Gabi Vice at si Sarah ang guest sa huling episode ng programa ni Vice Ganda sa February 19.

SEEN : Magbabalik sa telebisyon ang Gandang Gabi Vice sa kala­gitnaan ng 2012.

SCENE: Mag-uumpisa sa March 3 ang noontime show ng TV5 na itatapat sa Eat Bulaga at It’s Showtime.

Mga host ng noontime show ng Kapatid network sina Edu Manzano, Gelli de Belen, Arnell Ignacio, at Shalani Soledad.

SEEN: Ang hinala na hindi itinuloy ni Nancy Castiglione ang live phonepatch interview sa kanya ng Showbiz Central dahil sa lumutang na  saksi na nagpatunay na nakita sila na magkasama ni Hayden Kho. Jr.

Mahihirapan si Nancy na mag-deny dahil sa detalyadong kuwento ng saksi.

SCENE:  Walang naniniwala na baka magtangka uli si Hayden Kho, Jr. na magpakamatay dahil sa pakikipaghiwalay sa kanya ni Dra. Vicki Belo.

SEEN: Kahapon ang 88th birthday ni Senator Juan Ponce Enrile at sinipot nito ang impeachment trial kay Chief Justice Renato Corona dahil inuna niya ang mga tungkulin sa bayan.

SCENE: Kahapon din ang mga birthday nina John Prats, Heart Evangelista, at Kris Aquino. Walang reaksyon ang mga tao sa pag-amin ni John na girlfriend na niya si Bianca Manalo.

ARNELL IGNACIO

BIANCA MANALO

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DAVAO CITY

EAT BULAGA

EDU MANZANO

ERIK SALUD

GANDANG GABI VICE

HAYDEN KHO

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with