Adele nanalo ng 6 na Grammy
LOS ANGELES — Sa pagkakapanalo ng anim na award, tinapatan ni Adele si Beyonce sa paramihan ng Grammy na napanalunan.
Kabilang sa anim na panalo ni Adele noong Linggo ng gabi ang sa album, record at song of the year. May dalawang taon ding nagkaroon ng ganitong record si Beyonce.
Nanginginig at naiiyak si Adele habang hawak ang award sa pagkapanalo niya sa album of the year sa 54th Annual Grammy Award.
Ang 21 ni Adele ang best selling album ng taong 2011. Mahigit anim na milyong unit nito ang nabenta sa United States. Ang Record of the Year ay para sa kanyang kantang Rolling in the Deep.
Umiiyak si Adele habang tinatanggap ang trophy for album of the year kasabay ang pagpapaliwanag na ang 21 ay binigyang-inspirasyon ng isang bagay na normal - isang basurang pakikipagrelasyon.
Pero lubhang nakaapekto sa show ng Grammy Award ang pagkamatay ng singer na si Whitney Houston. Nagbigay si Jennifer Hudson ng tasteful at emotional na performance sa pagkanta niya ng I Will Always Love You na unang pinasikat ni Houston. (BBC News)
- Latest