Imoralidad sa basketball ilalantad sa 'Bola'
MANILA, Philippines - Umano’y maraming star basketball players — past and present— na may bading benefactors/lovers? Gaano katotoo ito?
Alamin ang iba pang aliwaswas sa likod ng barangay basketball (at big time professional basketball) sa pagbubukas ng Bola mula sa Miyerkules, Pebrero 15, sa piling sinehan sa Kamaynilaan.
Mahuhulaan n’yo kaya ang mga sikat na basketball players na nali-link sa equally sikat at mapeperang gay benefactors, sponsors, and patrons?
Clue: Of course, mayayamang datungera ang gays na ito. Sabi nga ng mga bitter na badings: “Wala namang alam sa rules ng laro, pero matinding umeksena sa mala-game venues ang mga ito, pero kung makatili e parang Intensity 10 sa Richter scale!”
Sila ang big-time patrons/sponsors na nagpapanggap na sports advocates para sa kabataan. Hangad nila’y ibaling ang atensyon ng kabataan mula sa harmful vices tulad ng drugs, alak, sugal, atbp.
At sinu-sino sa mga kabataan ang nasilaw ng kasikatan at kayamanang kaakibat ng big-time basketball?
Ang Bola ay isang paglalantad ng imoralidad at behind-the-basketball scenes sa barangay level: korapsyon, manipulasyon, panlilinlang at paghihiganti—mga mababaw pero tunay na isyung nangangailangan ng atensyon at ’di lang pamba-blind item.
Bida sa Bola ang baguhang si Kenneth Salva bilang Lester, star player ng barangay team; Arnel Ignacio (Pandy), local couturier-team manager na na-obsess kay Lester; Sofia Valdez (Angel), childhood sweetheart; Jacob Miller, pahadang player; Dustin Jose, ex-star player/coach; Simon Ibarra, amiga ni Pandy; Suzette Ranillo, ina ni Lester; at Geeca Topacio, pamangkin ni Pandy.
Ang Mowelfund film graduate at dating Mel & Joey segment producer/director na si Lem Lorca ang nagdirek ng Bola mula sa screenplay ng multi-awarded writer na si Jerry B. Gracio. Producer ang R and B Entertainment at Amazing Production.
- Latest