^

PSN Showbiz

Controversial TV host kinasuhan ng plagiarism!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Ay, kinasuhan pala ng plagiarism ang isang female TV host na kasalukuyang pinag-uusapan ng isang publication.

Writer din si female TV host pero nakita ng isang writer nang nagdemandang publication na kinopya nito (female TV host na kontrobersiyal) ang ilang paragraphs na lumabas sa kanyang column sa isa pang publication.

Kasalukuyan pang hinihintay ang resulta ng kaso ng publication sa TV host.

Mga kanta ni Whitney Houston tumatak kay Charice

Shocking ang balitang bumulaga kahapon ng umaga. Natagpuang walang buhay si Whitney Houston.

Maraming sumikat na kanta ang iconic pop star at hanggang ngayon ay familiar ang mga ’yun. Madalas marinig ang mga big hits ni Whitney sa mga singing contests, mapa-TV, o kahit sa mga bara-barangay lang.

Actually, ilang beses na siyang nabalitang na­matay. Ayon sa mga balitang lumabas noon, drug overdose ang dahilan. Hanggang kahapon nga official na declared na namatay siya. Wala pang sinasabing dahilan ang pagkamatay niya.

There was a time rin na lumabas siyang super-super payat na sinasabing dahil nga sa droga. Pero madali namang ipinaliwanag na stress ang dahilan ng pamamayat nito at ’pag under stress ang award-winning singer, hindi ito kumakain.

Pero kahapon, ayon sa mga report, she was pro­nounced dead sa kanyang hotel room ng Beverly Hilton, 3:55 p.m.

Ayon sa mga police na nag-imbestiga, walang ‘signs of any criminal intent.’

Namatay sa eve ng Grammy Awards kung saan magkakaroon sana ng tribute sa kanya si Jennifer Hudson, ayon sa mga reports kahapon.

“Her longtime mentor Clive Davis went ahead with his annual concert at the same hotel where her body was found. He dedicated the evening to her and asked for a moment of silence as a photo of the singer, hands wide open, looking to the sky, appeared on the screen.

“Houston was supposed to appear at the gala, and Davis had told The Associated Press that she would perhaps perform: “It’s her favorite night of the year... (so) who knows by the end of the evening.

“Houston had been at rehearsals for the show Thursday, coaching singers Brandy and Monica, according to a person who was at the event but was not authorized to speak publicly about it. The person said Houston looked disheveled, was sweating profusely, and liquor and cigarettes could be smelled on her breath.

“Two days ago, she performed at a pre-Grammy party with singer Kelly Price. Singer Kenny Lattimore hosted the event, and said Houston sang the gospel classic Jesus Loves Me with Price, her voice registering softly, not with the same power it had at its height,” ayon sa report ng Associated Press.

Merong 415 Awards si Whitney — two Emmys, six Grammys, 22 American Music Awards, 30 Billboard Awards, at nakabenta ng three million albums.

Ang ilan sa mga kanta ni Whitney ay I Will Always Love You, I Wanna Dance With Somebody, Greatest Love of All, One Moment in Time, at marami pang iba.

Ang pagkamatay kahapon ni Whitney ang super trending sa Twitter dahil lahat ay may reaction.

Si Charice ang isa sa mga sumikat na kumakanta ng mga pinasikat ni Whitney.

AMERICAN MUSIC AWARDS

ASSOCIATED PRESS

AYON

BEVERLY HILTON

BILLBOARD AWARDS

CHARICE

CLIVE DAVIS

GRAMMY AWARDS

WHITNEY HOUSTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with