^

PSN Showbiz

Kim tumalon sa Macau Tower

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Pagkatapos ng teleseryeng My Binondo Girl ni Kim Chiu ay minabuti ng dalaga na magbakasyon sa Macau kasama ng kanyang nakatatandang kapatid. Kilala ang Macau sa mga naggagandahang templo, restaurants, at hotels kaya sa pagpunta rito ng dalaga ay nag-enjoy daw talaga siya.

“Una naming pinuntahan siyempre nag-hotel muna kami. Kinain namin kung anu-ano, kasi sa hotel, nandun na ’yung mall sa baba. So nandun na lahat, nag-gondola kami, ’tapos nag-sight seeing sa baba,” bungad ni Kim.

Sa sandaling panahon na nakapag-bonding sina Kim at ang kanyang ate sa nasabing lugar ay mayroon silang kakaibang adventure na sinubukan. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-bungee jumping ang magkapatid sa mahigit isang libong talampakang Macau Tower.

“Nag-sky diving na ako and ito ’yung susunod kong gagawin for this year. Actually, maraming Pinoy doon eh. So, binu-boost nila ’yung confidence mo. Parang ‘Ate, kinakabahan na ako.’ ‘Hindi, tumalon ka lang.’

“Sabi ko, ‘Takot talaga ako eh. Tulak mo na lang ako kuya ha?’ Masarap, masaya ’yung experience. ’Kakaiba, gusto ko kasi ’yung mga ganun eh. Parang natsa-challenge ako,” matapang na kuwento ni Kim.

John 20 years na sa showbiz, ayaw magbago ni Bianca

Kahapon sa The Buzz ay nag-celebrate ng kanyang kaarawan at ika-dalawampung taon niya sa showbiz si John Prats. Masayang masaya ang aktor sa naging mga pahayag ni Bianca Manalo tungkol sa kanya at sa kanilang relasyon.

Naikuwento ng dalaga kung paano nagsimula ang kanilang relasyon ng aktor. Katulad ng ibang nagmamahalan ay mayroon na ring mga pagsubok na dumating sa kanila.

“Sa lahat naman ng bagay, meron kayong pinagdadaanang misunderstanding, pero siya malalaman mong may tampo siya kasi bigla na lang siyang mananahimik. Parehas kami. Hindi siya seloso sa pagkakaalam ko ha?” pahayag ni Bianca.

“Sa pagkakakilala ko kasi kay John Prats, ’di na ako nagtaka kung bakit marami ang nagmamahal sa kanya kasi napakabuti niyang tao. Totoong kaibigan, maaasahan saka pagdating sa pamilya bilib ako.”

Aminado rin si Bianca na masayang-masaya siya sa estado ng kanilang relasyon ng aktor ngayon. “Kung anong meron kami ngayon, ’yung samahan namin together masaya ako and sobra akong thankful. Kung anuman ’yung meron kami ngayon, sana magtuluy-tuloy. Sobrang mahalaga siya sa akin. Basta alam ko na hangga’t nandiyan siya, masaya ako,” giit pa ng dalaga.

Nagbigay din si Bianca ng kanyang mensahe para kay John.

“Happy birthday, another year na mas marami ka pang pagdadaanan and mas marami ka pang matutunan sa buhay. Thank you sa pag-aalaga, sa concerns. Napaka-suwerte ko na meron akong isang katulad mo. Sana ngayong twenty years ka na sa showbiz industry, kung sino si John Prats dati, ganun ka pa rin sa mga magiging years pa na pagta-trabahuhan mo. I’m happy,” nakangiting pahayag ni Bianca. — Reports from JAMES C. CANTOS

AKO

BIANCA

BIANCA MANALO

JOHN PRATS

KIM CHIU

MACAU

MACAU TOWER

MY BINONDO GIRL

NAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with