^

PSN Showbiz

Marian naghahanap ng mga bagong kaibigan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

May countdown ang fans nina Dingdong Dan­tes at Marian Rivera sa airing ng My Beloved na magsisimula sa Monday, Feb. 13. ‘Kaaliw at tila daig pa ng fans ang management ng GMA 7 sa sobrang excitement sa pag-ere ng reunion project ng dalawa.

Isa sa ikina-i-excite ni Marian sa My Beloved, first time niyang makakatrabaho ang karamihan sa kanila at alam niyang madadagdagan ang friends niya. Sa Amaya, naging close siya kina Ana Feleo, Sheena Halili, at Glaiza de Castro, looking forward siyang maging friend si Jennica Garcia na gumaganap na kapatid niya rito.

Tinanong si Dingdong kung posible silang magsama ni Richard Gutierrez sa isang project? Payag na payag ang actor, kaya lang, mas gusto niya sa pelikula para talagang malaki at special ang pagsasama nila.

Ang alam namin, parehong contract stars ng GMA Films sina Dingdong at Richard, ano pa ang hinihintay ng GMA Films!

Mark Herras  ipapareha sa ‘bata’

Tama ba ang narinig naming hindi agad-agad si Kris Bernal ang makakapareha ni Mark Herras sa Hiram na Puso? Si Krystal Reyes daw ang magi­ging love interest ni Mark at may tsikang may kissing scene ang dalawa. Kung totoo ito, mauunang magkaroon ng kissing scene ang youngstar kina Barbie Forteza at Bea Binene.

Sa March 5 pa ang pilot ng Hiram na Puso, mauuna pang mapanood si Mark sa Hitman, ang first action movie niya, kung saan, napiga siya ng husto. First time siyang humawak at nagpaputok ng baril at aminado itong sobrang nerbiyos niya nang pahawakin siya ni Cesar Montano ng baril na napaputok naman niya.

Saab ipinagta-trabaho ng ina?

Masaya si Saab Magalona sa kontrabida role niya sa My Beloved dahil mas madali sa kanya at hindi niya kailangang umiyak. Worried lang siya sa fans ni Marian Rivera dahil baka magalit sa kanya dahil aapihin niya ang aktres.

Aminado si Saab na may mga negative siyang naririnig tungkol kay Ma­rian, so far, wala siyang nakitang hindi niya nagugustuhan. Approachable raw ito, kaya thankful siyang nakasama ito dahil napatuna­yan niyang mali ang mga narinig niya.

Samantala, ipinagtanggol ni Saab ang ina niyang si Pia Magalona sa akusasyong pinagtatrabaho nito ang lahat ng kanyang mga anak pati si Arkin Ma­galona kahit Sunday sa Party Pilipinas.

 “Na-hurt ako for my mom, hindi niya kami pinipilit mag-work, we’re old enough to work. Sina Elmo at Arkin, may DOLE permit sila being minors and they’re enjoying showbiz. Hindi rin kumukuha ng com­mission from us si mom at may sarili kaming account,” sabi ni Saab.

May kani-kanyang place sina Saab, Frank at Maxene at sina Elmo, Arkin at Clara na lang ang kasama ni Pia, but every Sunday, sama-sama sila for a family bonding.

ANA FELEO

ARKIN

ARKIN MA

BARBIE FORTEZA

MARIAN RIVERA

MARK HERRAS

MY BELOVED

NIYA

SAAB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with