^

PSN Showbiz

MTRCB maghihigpit sa mga bata!

- Veronica R. Samio -

Nagpatawag ng isang presscon si Gng. Grace Poe Llamanzares, pinuno ng Movie and  Television Review and Classification Board o MTRCB  para ipahayag ang kampanya nila sa bago nilang klasipikasyon, ang SPG o Strict Parental Guidance, sa pinalalaganap na self regulation, isang pagbabantay ng mga magulang o nakakatandang miyembro ng kabahayan  sa panonood ng mga palabas sa telebis­yon ng mga bata  at kabataan.

Para mas mapabilis at maging epektibo ang kam­­­panya na bahagi ng PG (Parental Guidance o Patnubay at Gabay) isa sa mga ibinibigay na  kla­si­pikasyon ng MTRCB sa mga palabas sa TV na libreng napapanood ng lahat, isang infomercial ang ginawa na nagtatampok sa pamilya ng mga Legazpi na binubuo nina Zoren Legazpi, Carmina Villaroel at ang dalawa nilang mga anak na sina Maverick at Cassie. Ipinapakita sa nasabing palabas na tumatagal lamang ng ilang segundo sa telebisyon ang kahalagahan ng pagbabantay ng mga magulang sa panonood  ng telebisyon ng mga batang miyembro ng pamilya. Dinirek ito ni Veronica Velasco at ang serbisyo ng  lahat ng nasa produksiyon, mula sa mga artista hanggang sa technical people ay halos ibinigay na ng libre.

Pagpaparetoke idinenay ni Louise

Panay naman ang deny ni Louise delos Reyes na ipinaretoke niya ang kanyang mukha. Mara­mi ang nakakapansin na nagbago ang  kanyang muk­ha pero dahil maganda na siya ay hindi nila ma-pin­point kung ano ang mga pagbabago rito na mas nag­patingkad pa ng kanyang ganda. Paliwanag nit­o ay pumayat lamang daw siya kaya mas lalong na-define ang mga facial features niya. Pero hindi raw siya sumailalim sa isang beauty makeover or enhancement.

Katrina bina-blind item ang aktres na maamo ang mukha pero masama raw ang ugali

Bagaman at wala namang away sina Marian Ri­vera at Katrina Halili, inamin ng huli na hindi sila nag-usap sa unang teleserye nilang pinagsamahan, ang Marimar. Pero sa bagong teleserye kung saan ay magkasama sila, sinabi ng sexy actress na na-break na nila ang mala-yelo nilang pakikitungo sa isa’t isa.

Nakasama ng maraming taga-media si Katrina sa 70th birthday celebration ng entertainment writer na si Nene Riego na ginanap sa marangyang galerya ng mga painting ng entertainment writer/TV host na si Cristy Fermin.

Isa ‘yung napaka-pribadong affair na binuo ng mga malalapit na kaibigan sa showbiz ng may birthday  tulad nina Ricky Reyes, Katrina, Malou Choa Fa­gar, Joko  Diaz, (maaga kaming umalis kaya hin­di ko na nakita ‘yung marami pang dumating), miyembro ng pamilya niya kasama na ang nag-aartistang anak na si Chinggay Riego at   mga kasamahan niya sa panulat at maging sa GMA.

Game na nakipagkuwentuhan si Katrina at bagaman at nagugulat sa mga off the record na naririnig niya, tahimik lamang ito sa kanyang pakikinig. Na­ging tampulan ng tawanan ang kuwento tungkol sa isa niyang kasamahan sa GMA na ganung nagtataglay ng  isang napakaganda at napakaamong mukha ay nuknukan pala ng  sama ng ugali. Ayaw na ni Katrina na mapag-usapan pa ang isang lalaki na nagbigay sa kanya ng pinaka-malungkot na bahagi ng kanyang buhay. Nagulat pa siya nang malamang mag-aaktibo ito sa showbiz. Pero, hang­gang dun lang ang reaksiyon niya tungkol dito.

Fans ni David darating ng bansa

Masuwerte ang mga kasama ni David Archuleta sa teleserye niyang ginawa para sa TV5, ang Nandito Ako dahil may posibilidad na mapanood ito sa abroad.

Maraming fans ni Archuleta ang pupunta rito para lamang mapanood ang mga unang araw ng pagpapalabas ng serye na magsisimula sa Peb. 20. Mami-miss nila ito dahil dalawang taon itong mawawala para sa isang misyon para sa kinabibilangan niyang relihiyon.

CARMINA VILLAROEL

CHINGGAY RIEGO

CRISTY FERMIN

DAVID ARCHULETA

GRACE POE LLAMANZARES

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with