^

PSN Showbiz

Arnell at Jennifer nakahanda para sa kanilang pagtanda!

-

MANILA, Philippines - Nakakalungkot na mabalitaan na ang ilang mga personalidad sa showbiz na umabot sa rurok ng tagumpay at nagkamal ng maraming pera ang nagpabaya at namatay na dahop sa buhay. Sa Sabado, alas-diyes ng umaga sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes ng GMA News TV-11 ay tampok ang dalawang celebrity na maagang nag-isip ng mga negosyong fall back position pagdating ng tag-ulan.

Iinterbyuhin ng host-producer na si Mader Ricky ang singer-TV and radio host na si Arnell Ignacio at charming actress na si Jennifer Sevilla.

Ibibida ni Arnell kung paano siya nagkaroon ng inspirasyon na magpatayo ng isang tindahan ng ‘toupee’ mula ng numipis ang sariling buhok. Ngayo’y dinarayo na ito ng mga lalaking nais magpa-macho.

Dating may factory ng mga uniporme ng mga nars, estudyante at kasambahay si Jennifer. Pero mas nagustuhan niyang magtayo ng isang shop na mabibilhan ng mga wig na gawa sa tunay na buhok at iba pang materyales. Meron din siyang pang-hair extension.

Kahanga-hanga sina Arnell at Jennifer dahil hindi sila mamamatay na purita mirasol (mahirap). 

“Maaga pa’y naghahanda na sila sa panahong wala na sila sa showbiz,” sey ni Mader RR.

Dahil maraming tagatangkilik ng LSWGRR ang nakaka-miss sa MOM (Make Over Magic) ay ibabalik ito sa ere. Siyempre, sabik na ang mga fans ng show sa segment na mismong ang beauty guru ang nagde-demo ng iba-ibang ayos ng buhok at make up lalo na sa mga espesyal na okasyon tulad ng Valentine’s Day. 

ARNELL

ARNELL IGNACIO

GANDANG RICKY REYES

JENNIFER

JENNIFER SEVILLA

LIFE AND STYLE

MADER RICKY

MAKE OVER MAGIC

SA SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with