Lovi nakalimutan nang ma-in love
Matindi pala ang crush ni Lovi Poe kay Ryan Gosling dahil nang papiliin namin ito between him and Ryan Reynolds, ang una ang pinili nang bonggang-bongga.
“Of course! Ryan Gosling. I love him! Ang galing niya sa Crazy Stupid Love. I really love him!” ulit na sabi ni Lovi.
Dahil birthday ni Lovi bukas at dahil wala raw siyang BF at walang ka-date sa Valentine’s Day, dinaan na lang namin sa love questions ang tanong after she signed a contract being the new Extraderm soap endorser.
Ang tagal sumagot ni Lovi sa tanong na “What is love?” at nagbirong nakalimutan na yata niyang ma-in-love. Naniniwala rin siya sa ideal man, pero mahirap daw hanapin ang qualities na gusto niya sa guy na God-fearing, mabait, funny at may ambisyon sa buhay.
Ervic natuwa, payag na si Marian na makatrabaho uli siya
Kinailangang muli naming basahin ang interview namin kay Frencheska Farr tungkol sa sinabi nito tungkol kay Ervic Vijandre nang bumisita kami sa taping ng Kokak. In that interview, sinabi ni Frencheska na first week pa lang ng taping, nanligaw na sa kanya si Ervic, pero sinabi niyang ayaw niyang magpaligaw dahil ayaw pa niyang magka-BF at ayaw din niya kay Ervic.
Ang dating sa amin nang sinabi ni Frencheska, binasted niya si Ervic, kaya pinag-react namin ang binata sa presscon ng The Good Daughter, “What! Meron pang ganun! Talaga! Basted! Wow!”
Parang mali lang ang sinabi ni Frencheska na kaya ayaw niya kay Ervic dahil ayaw pa niyang magka-BF. Binuking ng binata na binabantayan ang dalaga ng non-showbiz BF nito na sabi ni Direk Ricky Davao, dumadalaw na naka-skateboard.
Ipinarating din namin kay Ervic ang sagot ni Marian Rivera sa nabanggit niyang willing siyang makasama sa trabaho sina Marian at Dingdong Dantes. “Sabi ni Marian, open siya kahit sino ang makatrabaho, kahit ex pa niya. Hindi lang niya alam kay Dingdong kung papayag na makasama sila nina Ervic sa project sa GMA-7. “Good news” ang reaction dito ni Ervic.
Anyway, masaya si Ervic dahil magtatapos ang Kokak na hindi natatalo sa ratings at may kasunod agad siyang project. Dedma ito kahit si Daniel Matsunaga ang original sa role niyang si Mario na aspiring model at barista sa coffee shop.
David Archuleta maraming tinanggap na trabaho sa ‘Pinas
Babalik pala ng bansa si David Archuleta dahil siya ang special guest sa Close Up Pyropalooza ng Close-Up na ang kick off ay sa Music Hall MOA, bukas, February 11.
Guest din daw si David sa Mr. & Mrs. A concert nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa Feb. 14, sa Smart Araneta Coliseum. Kung totoo, narito si David sa pilot ng Nandito Ako sa Feb. 13.
Extended daw ang stay dito ni David dahil may tinanggap na endorsements at ang talent fee niya rito ay ibibigay sa parents niya dahil two years nga siyang magiging missionary ng Mormon.
Julie Ann papasok sa Tweenhearts
Papasok pala sa Tweenhearts si Julie Ann San Jose at sa February 19, na raw ang first day taping nito.
Extended up to April ang Tweenhearts at kundi agad aalisin ang karakter ni Julie Ann, more than two months siya tatagal.
- Latest