^

PSN Showbiz

Matapos tanggalin sa programa ni Willie, Shalani bibigyan na lang ng bagong show ng TV5

- SEEN SCENE -

SEEN: Ngayon ang huling gabi ng Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown.

Live na matutunghayan sa GMA 7 kung sino kina Stef Prescott, Mara Yokohama at Albert Sumaya, Jr. ang mag-uuwi ng tatlong milyong piso na premyo.

SCENE: Ahas ang tawag kay Stef Prescott ng mga kasamahan niya sa Survivor Philippines dahil sa ugali na kanyang ipinakita.

Nawala ang pagpapanggap ni Stef na matapang siya nang sabihin ni KC Montero na patay na ang kanyang pet dog.

SEEN: Bibigyan ng bagong programa ng TV5 management si Shalani Soledad na hindi na babalik bilang co-host ng Wil Time Bigtime na nag-desisyon na tanggalin na siya sa programa,

SCENE: Hindi matutuloy sa buwang ito ang showing sa mga sinehan ng My Kontrabida Girl dahil nag­hahanap ng magandang playdate ang GMA Films para sa pelikula nina Rhian Ramos at Aljur Abrenica.

SEEN: Ayaw ni Sheena Halili na inili-link kay Kylie Padilla ang kanyang boyfriend na si Rocco Nacino.

Si Rocco ang love interest ni Kylie sa The Good Daughter.

SCENE: Kahapon ang huling araw ng taping ng Nandito Ako.

Na-miss ng lahat ang presence ni David Archuleta.

SEEN: Nakikisawsaw si Ynna Asistio sa away ng kanyang nanay na si Nadia Montenegro at Annabelle Rama.

Dapat ipaalaala kay Ynna na pumirma siya ng kontrata sa talent agency ni Annabelle at dapat na igalang niya ang kanilang kasunduan.

SCENE: Ang Youtube debut ng The Bourne Legacy teaser.

Hindi pa kasali si Rachel Weisz sa teaser ng pelikula na hindi pa tapos ang filming sa Pilipinas.

vuukle comment

ALBERT SUMAYA

ALJUR ABRENICA

ANG YOUTUBE

ANNABELLE RAMA

BOURNE LEGACY

CELEBRITY DOUBLES SHOWDOWN

DAVID ARCHULETA

STEF PRESCOTT

SURVIVOR PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with