^

PSN Showbiz

Dahil sa reputasyon na tsismoso, Zoren pinagdududahang source ng kuwento kina Carmina at Claudine

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Paano kung ang source ng tsismis na nag-away sina Carmina Villaroel at Claudine Barretto sa shooting nang pinagsamahan nilang commercial noon ay si Zoren Legazpi?

Halimbawa lang naman. Kasi ‘di ba, magkasama sa programang Paparazzi sina Zoren and Dolly Anne Carvajal at may tendency na mag-tsikahan sila lalo na nga’t nagkaroon ng ‘reputation’ na madaldal na nagiging tsismoso ang partner ni Carmina matapos mapasama sa talk show?

Baka sa isang kuwentuhan nila ng co-host, baka lang naman, nabanggit niya (Zoren) ‘yung nangyari noon at hindi naman niya ini-expect na lalaki ang issue nang ganito.

Eh kasi bakit naman paninindigan ng kaibigang si Dolly Anne ang kuwento kung alam niyang hindi reliable ang source niya o kung alam niyang imbento lang ang nagkuwento. Siyempre, bago siya magsulat, mag-iisip muna siya.

Meaning malakas ang source kaya pinaninindigan ang kuwento niya.

We never know kung sino ang source ng kaibigang si Dolly Anne pero bakit nga ba ang laki na ng issue.

Eh ano naman kung nagkaroon ng away o iringan ang dalawa sa shooting ng commercial nila three years ago? Kung wala naman, ok lang.

Hahaha. Kalowka.

Kita ng actress tumaas nang magpalit ng manager

Tumaas ng halos P20 million ang kita ng isang actress nang magpalit siya ng manager.

Kung noon, more than P50 million lang ang mga kinikita ni young actress, aba, agad-agad lumubo ayon sa source. Nadagdagan daw kasi ng TF ang young actress at nagkaroon ng endorsements.

Ang siste, balitang may problema sa BIR ang actress na ito dahil balitang meron siyang undeclared income na nakalkal ng BIR.

Josephine at Champion magbibida sa MMK

Magsasama ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong sa isang ma-dramang episode ng MMK. Napanood na namin ang teaser, at doon pa lang gusto na naming umiyak.

Gagampanan ni Sandy ang character ni Josephine, isang typical homemaker – pinagsisilbihan ang pamilya.

Maayos na tumakbo ang kanilang pamilya hanggang mangyari ang hindi inaasahan na susubok sa kanyang pagiging ina.

Siguradong maraming makaka-relate sa kuwento ni Josephine na nakita ang sarili sa isang mahirap na sitwasyon – kailangan niyang mamili between what we know is right pero medyo mahirap o desisyon na madali pero hindi masyadong tama.

Karaniwan pag ganito ang problema maraming nakikialam at nakikisawsaw na mga malalapit sa atin. At mararamdaman natin na mahirap mag-stick sa sariling decision na nangyari kay Josephine.

Kasama ng MMK sa episode na ito ang trusted laundry detergent sa bansa, ang Champion sa pagpapalabas ng kuwento ng buhay ni Josephine na tiyak nakaka-relate ang mga ordinaryong misis na manindigan at nanindigan sa kanyang sariling desisyon.

Matagal-tagal na ring namamayagpag ang Champion dahil mura na epektib pa.

Ini-encourage din nila ang homemakers to remain true to what they believe in. In today’s lifestyle nga naman where there are so many factors that can influence the way we make our decisions, it will be wise to listen to what our heart dictates, and not be led by trends, the opinion of others, hearsays or what most people view as the right thing to do. At the end of the day, it is only us who can make the wisest decision for our own good.

Mapapanood ang episode sa March 3, 7:45 p.m. sa ABS-CBN.

Ka-join din sa cast sina Maggie dela Riva, Edgar Allan Guzman, Lauren Young, and Jairus Aquino. Nagkaroon ito ng preview kamakailan na dinaluhan ni Mr. Gabby Lopez and Ms. Charo Santos-Concio.

CARMINA VILLAROEL

CHARO SANTOS-CONCIO

CLAUDINE BARRETTO

DOLLY ANNE

DOLLY ANNE CARVAJAL

EDGAR ALLAN GUZMAN

GABBY LOPEZ

JAIRUS AQUINO

LAUREN YOUNG

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with