^

PSN Showbiz

Joy Cancio nagkamali sa pag-iwan sa GMA 7!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Hindi kaya nagkamali ang manager ng Sexbomb na si Joy Cancio na iwan hindi lang ang Eat Bulaga kundi lalo na ang network na pinagtatanghalan nito? Kahit naging maganda naman ang career ng mga orihinal na miyembro ng popular na grupo, hindi ito masasabi sa mga sumunod na batch ng Sexbomb.

Sa halip na sumali sa programang direktang katapat ng Eat Bulaga, sana inihanap na lamang niya ng timeslot ’yung dati niyang serye sa hapon na maraming taong tumakbo sa GMA. Baka rito, nagtagumpay pa siya.

Pero hindi pa naman huli. Marami pang show na puwedeng gawin. It’s just a matter of time.

KC stage sister kina Cloie at Garrie

Marami ang nagsasabi na mas magkamukha sina Cloie at KC kesa sina KC at Garrie. Mas mukhang Ibuna kesa Concepcion ang anak ni Grace sa dating matinee idol. Mas maraming facial features ang nakuha ni KC kay Gabby Concepcion kesa kay Sharon Cuneta samantalang pinaghalong Gabby at Jenny Syquia naman si Cloie.

Pero hindi man buo ang pagiging magkakapatid ng tatlo, andun at kitang-kita mo ang pagmamahalan nila at ang pag-aalaga ni KC sa dalawa niyang half-sisters. Para siyang stage sister ng mga ito. ’Kakatuwa silang pagmasdan.

vuukle comment

CLOIE

EAT BULAGA

GABBY CONCEPCION

GARRIE

JENNY SYQUIA

JOY CANCIO

MARAMI

PERO

SEXBOMB

SHARON CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with