P-Noy natatabangan na kay Grace
PIK : Proud si Dingdong Dantes na ikuwento ang magaling na cook na naghahanda ng isda na kinakain niya kaya nakapag-diet siyang mabuti at malaki ang ipinayat.
Si Marian Rivera pala ang tinutukoy niyang cook na nagluluto ng espesyal na diet nito para sa kanyang pagpapayat.
Kailangan ni Dingdong magbawas ng timbang para sa launch ng kanyang bagong scent sa Bench na Empower Deo Cologne at sa My Beloved na kung saan may mga eksena siyang naka-topless.
Success naman ang pagpayat niya, at malaki ang naitulong ni Marian na all-out ang suporta sa kanya.
PAK : Dumating na si Jolo Revilla kahapon ng umaga galing Amerika. Medyo madugo ang mga tests na pinagdaanan niya kaugnay sa sakit na migraine. Pero okay naman ang resulta, kaya lang kailangan talaga niyang magpahinga at magbawas ng trabaho at pagpupuyat.
Ilang linggong nasa Amerika si Jolo at nandun din si Kris Bernal nung mga araw na ’yun pero hindi naman pala sila nagkita.
BOOM : Totoo kayang medyo natatabangan na si Pres. Noynoy Aquino kay Grace Lee dahil wala itong ginawa kundi ang magpa-interview nang magpa-interview tungkol sa kanilang dalawa?
Hindi namin napanood ang iba pa niyang interview, kaya hindi namin sure kung totoong sinabi nga nitong ikukuha pa siya ng security ni P-Noy.
Parang off naman ’yun kung totoo nga.
Kahit sinasabi ni Grace na ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni P-Noy, sagot naman siya nang sagot sa mga gustong mag-interview sa kanya.
Hindi kagaya ni Shalani Soledad-Romulo noong sila pa ni P-Noy na talagang tahimik lang at wala siyang sinasagot sa mga ambush interviews.
- Latest