Gov. Vi kinansela ang mga lakad para sa hotel ni Mother Lily!
Kinansela ni Batangas Gov. Vilma Santos ang ibang mga commitment niya para sa blessing ng Taal Imperial Hotel and Resort na pag-aari ni Mother Lily Monteverde kahapon ng tanghali.
Kaya naman masayang-masaya ang Regal produ habang nililibot nila ang buong resort after ng cutting of ribbon.
“What inspired me to give birth to this baby? Of course, one big factor is my deep admiration for Gov. Vi’s accomplishments for Batangas.
“She is such an enterprising leader who has turned Batangas into one of the country’s most booming cities. Hindi ito sipsip. I’ve known Gov. Vi since she was young.
“She is nice and she is like a daughter to me. Our relationship goes beyond the dictates of business and profession.
“Taal Imperial Hotel and Resort is a testament to the kind of friendship Gov. Vi and I have built through the years,” sabi ni Mother Lily sa kanyang speech after ng blessing.
“Kulang kasi sa amin ang puwedeng hotel and resort, kaya nagpapasalamat ako kay Mother at nag-invest siya rito sa Batangas,” sabi ni Gov. Vi na malaki rin ang posibilidad na gumawa uli ng pelikula sa Regal Entertainment, Inc.
“Pinakamaraming pelikula at nakuha ko lahat ng awards ko ay sa mga pelikulang ginawa ko kay Mother Lily. Si Mother ’yung isang producer na sumusugal ba. Sumusugal in a way na nagti-take ng risk. Hindi niya iintindihin lagi kung kikita o hindi. Kaya pareho kaming lumuha nun sa Sister Stella L! Sabay kaming umiiyak nang hindi kumita ’yung pelikula. Hahaha!” paalala ni Gov. Vi.
Anyway, bukas na sa lahat ng mga gustong magbakasyon sa Taal Imperial Hotel and Resort.
Actress na walang masyadong work,ibinenta na lang ang bahay
Nabenta na pala ng isang actress ang kanyang bahay na halos P30 million din ang halaga.
Bagets pa ang actress pero hanep, nakapagpundar siya nang ganun kamahal! Ang kumalat kasing tsismis noon pa, naging girlfriend siya ng isang elected government official na kilalang may asawa. Pero hindi sure ng source kung ang nasabing naging karelasyon ng actress ang nagpagawa ng bahay na ibinenta na.
Walang masyadong work ngayon si actress, kaya naisipan niya sigurong ibenta na lang ang bahay.
- Latest