^

PSN Showbiz

Gerald willing maka-Valentine date si Sarah

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Espesyal ngayon ang pagtitinginan nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson sa isa’t isa. Matatandaang nagpalitan ang da­lawa ng Christmas gift noong isang taon. Isang T-shirt ang ibinigay ni Sarah sa binata at mismong si Mommy Divine Geronimo pa ang pumili. Isang Tiffany necklace naman ang ibinigay ni Gerald sa dalaga.

May balita rin na tumigil na sa panliligaw si Miguel Villafuerte sa dalaga kaya naging mas maugong ang pagkakamabutihan nina Sarah at Gerald. May mga bulung-bulungan na madalas na binabantayan ng Budoy lead star ang Pop Princess sa labas ng dressing room.

“Once lang po ’yun nung Christmas nung inabot niya ’yung Christmas gift niya,” pahayag ni Sarah.

Ayon naman kay Gerald, hindi pa naman sila lumalabas ng dalaga. “Halos hindi kami nagkikita, parang once lang kami nagkita noong isang araw lang,” pagtatapat ng young actor.

Patuloy naman na nagte-text at nagkakamustahan ang dalawa. Masaya si Gerald dahil mabait sa kanya ang mga magulang ni Sarah. “Sobrang bait nila and I’m very honored,” giit ng binata.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay willing si Gerald na maka-date si Sarah sa darating na Va­lentine’s Day.

“Siyempre, bakit naman hindi?” maikling sagot ni Gerald.

“Pero titingnan natin kung libre po ako at kung libre naman siya, bakit hindi kung puwede naman?” nakangiting sagot naman ni Sarah.

Angel higit pa sa pag-aari ang halaga ni PHIL

Kahit wala pang label kung ano ang relasyon nina Angel Locsin at Phil Younghusband ay masaya naman sila sa isa’t isa.

“I’m officially happy and we’re happy together. Hindi ko sinasabing ganito kami forever. Siguro may mga bagay pa na hindi naaayos, na hindi pa naaayon. Kapag naging official naman malalaman n’yo pero ito pa kasi ang nagwo-work sa amin. Okay na ako sa ganito.

“Siguro mahirap lang siya intindihin ng ibang tao na hindi pa nakaka-experience. Para sa akin kasi para magmahal ka ng isang tao, para maipa­kita kung gaano ka nagke-care, kung gaano ka kamahal, ’di n’yo na kailangan ng labels. Hindi kailangang maging kayo. Basta ipakita mo lang kung gaano mo siya kamahal, kung gaano siya nagma-matter. Oo pag-aari kita pero ’yung sa amin we’re beyond that eh,” mahabang deskripsiyon ni Angel.

Samantala, close na close na rin si Angel sa kanyang leading man na si John Lloyd Cruz pero hindi naman pinagseselosan ni Phil ang aktor. Hindi rin apektado ang football player sa mga intimate scenes na ginawa ng dalawang bida sa Unofficially Yours na mapapanood na sa Feb. 15. — Reports from JAMES C. CANTOS

ANGEL LOCSIN

DIVINE GERONIMO

GERALD

GERALD ANDERSON

ISANG T

ISANG TIFFANY

KUNG

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with