Kylie at Aljur tinapos na ang relasyon ng wala pang isang taon
Kinumpirma ng talent manager na si Betchay Vidanes na break na si Kylie Padilla kay Aljur Abrenica at hindi umabot ng one year ang relasyon ng dalawa. “Wala na” ang maiksi nitong tsika.
Ang parehong pagiging busy ng dalawa ang rason ng break-up. Busy si Kylie sa The Good Daughter at si Aljur sa GMA Films movie na My Kontrabida Girl nila ni Rhian Ramos.
Sa presscon ng The Good Daughter na pinagbibidahan ni Kylie, tiyak na matatanong siya sa nangyari sa kanila ni Aljur at tingnan natin kung itatanggi niya ito at kung magkukuwento sa nangyari.
Sa kanyang tweets namin napansin na break na ang dalawa at nasundan ng report ng absence ni Aljur sa birthday party ni Kylie na bigay ni Robin Padilla. Ang alam namin, this February ang first anniversary ng dalawa pero dahil break na, wala nang magaganap na selebrasyon.
Bigay ni Aljur ang Kakai na nickname ni Kylie at gamit nitong Twitter account, kapag pinalitan ng dalaga ang Twitter account niya, iisipin naming hindi lang ang pagiging busy ang rason nang kanilang break-up.
Direk Mac nag-react sa mga intriga, nanay napaiyak
First project ni Direk Mac Alejandre ang mini-seryeng Nandito Ako sa four-year exclusive contract na pinirmahan niya sa TV5. Hindi pa man ito umeere, sa Feb. 20 pa ang pilot, may kasunod na siyang project na bawal pang sabihin. Hindi mababakante si Direk Mac dahil ‘pag hindi magdidirek, gagawin niya ang trabaho bilang Talent Development Consultant at Creative Consultant ng network.
Ang dalawang posisyon ang isa sa mga rason kung bakit kahit may counter offer ang GMA 7, itinuloy ni Direk Mac ang paglipat sa TV5. Nilinaw lang nito na walang bad blood sa Channel 7 ang paglipat niya at itutuloy pa rin niya ang pelikulang Just One Summer ng GMA Films na launching movie nina Elmo Magalona at Julie Ann San Jose at malapit na niya itong simulan.
Samantala, nabasa ng mom ni Direk Mac ang blind item na diumano’y sinabi niyang kinuha siya ng TV5 para mag-rate ang soap nila at iba pang tsika. Umiyak ang mom niya at dito na siya naapektuhan.
‘Kung ako lang, hindi ko papansinin ’yun. I’m so busy para pansinin ’yun pero umiyak ang mother ko and I felt bad. Inisip ko na lang I can’t please everybody and I’m so blessed para magpaapekto. It’s true that I brought my own team sa TV5, kasama ’yun sa kontrata ko, ni-request ko at ibinigay nila,” paliwanag ng direktor.
Inamin din ni Direk Mac na kung ano ang ginawa niya sa GMA 7 ay hihigitan niya ngayong nasa TV5 na siya dahil bago siya and he will keep on working.
Bea ibinuking ang press release ni Derrick na regalong pabango, wala pala!
Nakakadalawang pinagbibidahang show na sa GMA 7 si Bea Binene, hindi pa rin nagpapakita ang amang basta na lang umalis. Hindi na nga lang emotional ang young actress nang tanungin tungkol sa ama sa presscon ng Alice Bungisngis and her Wonder Walis pero umaasa itong panonoorin ng ama ang bago nilang show ni Jake Vargas na pilot na this Monday bago ang 24 Oras.
Wala na ring balita si Bea sa ama, ayos na sila ng ina at kapatid at masayang ibinalitang bumili sila ng machine para mag-imprenta ng T-shirt na tinawag nilang My Daily Creation na siya ang nagde-design. Gumagawa rin sila ng bag at nag-promise na mamimigay sa press bilang sample.
Enjoy si Bea sa role niya sa Alice Bungisngis, kahit may wig siyang bago ilagay sa ulo niya ay tinitirintas muna ang mahaba niyang buhok. Looking forward siya sa mga eksenang normal na buhok na niya ang gagamitin.
Inalam pala namin kay Bea kung ibinigay sa kanya ni Derrick Monasterio ang biniling perfume na Christmas gift nito sa kanya. Until last week, hindi pa naibibigay ni Derrick dahil wala raw Christmas gift sa kanya ang young actress. ‘Kaloka!
Betong nag-trending!
Tuwang-tuwa si Betong Sumaya dahil hindi man siya maging Ultimate Survivor sa Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown na Feb. 10 ang final, nag-trending naman siya sa Twitter.
Nagsimulang mag-trending ang GO Betong Friday night at tumagal up to Saturday morning. Pinag-usapan ang tatag ni Betong sa last immunity challenge ng mga castaways na patagalan sa pagtayo sa pole sa gitna ng dagat.
Unang na-out sina KC Montero at Stef Presscot at naiwan sina Betong at Mara Yokohama at tumagal sila ng two hours. In the end, si Mara ang naiwan at pumasok sa Top 3. Mamaya, malalaman kung sino ang dalawa pang kasama sa Top 3.
- Latest