^

PSN Showbiz

Nagyakapan at nag-iyakan sa hotel, KC idinetalye ang pakikipagkita kay Cloie

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Kahapon sa bagong The Buzz, magkasamang nag-guest ang mag-inang Jenny Syquia at Cloie sa kauna-unahang pagkakataon. Dalagang-dalaga na si Cloie ngayon at marami ang nagsasabi na kamukha rin ito ng kapatid sa ama na si KC Concepcion.

Masayang-masaya si KC dahil pagkatapos ng labinlimang taon ay muli niyang nakita at nakasama ang half-sister. Naging mabuting magkaibigan noon pa man sina Jenny at si Sharon Cuneta kaya naman naging malapit din sa isa’t isa sina KC at Cloie kahit noong mga bata pa sila.

“I just felt na ang sarap ng feeling. Nakilala ko siya noong baby pa siya kasi one year old or two years old. Feel na feel ko ’yung maging ate, first sister that I had talaga na nakalaro ko noong baby. ’Yung time na hindi na kami nagkikita ng papa ko, hindi na rin kami nagkita ni Cloie.

“Akala ko meron na akong kapatid ulit na makakalaro ko na, makakasama ko lagi, nawala na rin siya sa buhay ko.

“Growing up, I remember, pinadalhan niya ako ng card with her picture. Siya ’yung nagse-send sa akin ng ‘Hi Ate KC, this is your sister Cloie. My mom tells me a lot about you,” kuwento pa ng dalaga.

Naging instrumento sa muling pagkikita nina KC at Cloie ang kapatid din nila sa ama na si Garrie. Anak naman si Garrie ni Gabby Concepcion kay Grace Ibuna.

“Malaki ang pasasalamat ko kay Tita Jenny dahil sa kanya kahit paano nagkaroon kami ng relationship ni Cloie through the years kahit ’di kami nagkikita, hanggang sa meron na akong picture, kumakain si Cloie ng ube, pinreym (frame) ko ’yun.

“Until finally nahanap ko siya sa Facebook, nakita ko si Cloie sa Facebook ni Garrie. In-add ko si Cloie hanggang sa nagsulat na siya, nagsulat na rin ako in Facebook. Alam lang namin na nandiyan siya, nandiyan ako.

“Finally, nakausap siya ni Garie, isang gabi tumawag sa akin. ‘Ate, ate! I talked to Cloie, she’s here. She’s in Manila.’ Hanggang sa nagtawagan. Kami muna ni Tita Jenny ’yung nag-usap. She passed the phone to Cloie. Sabi ko ‘Hello.’ Sabi niya, ‘Hello, oh my God!’ Wala na kaming ibang ginawa kung hindi sumigaw nang sumigaw sa phone.

“Finally, noong nagkita kami, nandoon daw sila sa hotel. Pagdating ko sa Makati-Shang, tinginan kaming dalawa, parang nag-freeze ’yung time. Nagtinginan kami, takbuhan kami, yakap, iyak. Tinitingnan ko lang siya, ang saya lang namin, ’yung naramdaman mo talaga na parang kulang na lang we grew up with the same mom,” mahabang pagdedetalye ni KC.

Nagkaroon na rin ng mga pagkakataong lumabas na magkakasama sina KC, Garrie, at Cloie.

Nagbigay din ng mensahe si KC para kay Cloie.

“I want her to be confident as she can be, getting into something like this. As your big sis, know that I will always root for you, just have fun. You’ll be in the right track baby, you were born that way,” sabi ng eldest sis. — Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

CLOIE

CONCEPCION

FACEBOOK

GARRIE

GRACE IBUNA

KAMI

SIYA

TITA JENNY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with