Dra. Belo hindi na interesado sa alok na kasal ni Hayden
Isinulat ko kahapon ang mga napag-usapan namin ni Dra. Vicki Belo sa aming lunch date pero nalimutan ko na banggitin ang kanyang sinabi na hindi pa nila napag-uusapan ni Hayden Kho, Jr. ang kanilang kasal. Parang hindi pa ready si Mama Vicki na lumagay uli sa tahimik dahil ang kapakanan ng kanyang mga anak na sina Quark at Cristalle ang priority niya.
Si Hayden daw ang pursigido na magkaroon sila ng prenuptial agreement para hindi pagdudahan ng mga tao ang kanyang intensiyon na pakasalan si Mama Vicki pero hindi pa ito nakakapag-decide. Baka matagalan pa ang kasal na inaasam ni Hayden dahil kuntento pa si Mama Vicki sa kanilang boyfriend-girlfriend relationship.
Benjie at Gabby hindi nababakante
Anak ni Benjie Paras ang bagets na kasama niya kahapon sa studio ng Startalk. Binitbit ni Benjie ang kanyang anak na lalake nang i--promote ng cast ng Alice Bungisngis ang kanilang early primetime show na magsisimula bukas at mapapanood sa GMA 7. Mainstay ng Alice Bungisngis si Benjie at siya ang gumaganap bilang alipores ni Jean Garcia as Esmeralda, ang kontrabida sa buhay ni Bea Binene aka Alice Bungisngis. Hindi nawawalan ng regular show si Benjie sa GMA 7 kaya very loyal siya sa Kapuso network. Bukas din magsisimula sa GMA 7 ang Broken Vow, ang afternoon soap ng GMA 7 na pinagbibidahan nina Bianca King, Luis Alandy at Gabby Eigenmann. Masipag mag-promote ang tatlo dahil inikot nila ang lahat ng shows ng Kapuso network para i-remind sa publiko ang pag-uumpisa ng Broken Vow. Sosyal si Gabby dahil hindi siya nawawala sa sirkulasyon. Katatapos lang ng Munting Heredera noong Biyernes at bukas, regular na mapapanood si Gabby sa Broke Vow. Nang mag-guest siya kahapon sa Startalk, pinasalamatan ni Gabby ang televiewers dahil nag-trending topic sa Twitter noong Biyernes ang pagwawakas ng Munting Heredera.
Aktor na guwapo masangsang ang amoY ng hininga
Knows ko na ang identity ng aktor na na-blind item na hindi fresh ang amoy ng breath. Hindi ko na sasabihin kung saan kami nagkita ng aktor pero ang tsismis tungkol sa kanyang personal hygiene ang naalaala ko nang magkrus ang aming mga landas. Ang kuwento ng mga reporter tungkol sa masangsang na amoy ng hininga ng aktor ang naalaala ko nang ma-sight ko siya. Guwapo nga ang aktor pero bale-wala ang good looks niya kung Miss Melanie Marquez siya. Miss Melanie as in may smell ang kanyang breath.
Make Me Sweat tinao!
Congrats sa mga produ ng Make Me Sweat, ang concert kagabi ni Markki Stroem at ng G-Force sa Music Museum.
Pinilahan ang concert kaya tuwang-tuwa ang mga produ ng Make Me Sweat. Hindi raw nasayang ang kanilang pagod at pawis dahil tinangkilik ng manonood ang show ng G Force at ni Markki.
- Latest