Fan ni Regine inookray si Sharon!
Panay-panay na ang rehearsal nina Sharon Cuneta at Martin Nievera para sa kanilang Once In A Lifetime concert sa Smart Araneta Coliseum sa February 11.
Masayang na-tweet ni Mega noong isang araw ay dumating na sa bansa si Martin, kaya makakapag-rehearse na sila na kahit not feeling well si Sharon nitong mga nakaraang araw ay tuluy-tuloy na sila.
First time magsasama sa isang buong concert sina Sharon at Martin na parehong nagtataka kung bakit ang Viva Concerts & Events lang ang nakaisip na sila’y pagsamahin sa direction ni Rowell Santiago at script ni Noel Ferrer.
Samantala, parehong pumalag sina Sharon at Regine Velasquez sa attempt nang nagpakilalang fan ni Songbird na sila’y intrigahin sa Twitter. Itinanggi ni Regine na fan niya ang nang-okray kay Sharon dahil wala raw siyang ganung klase ng follower at isa pa, mahal niya si Mega.
Nabalitaan din pala namin na simpleng Sharon ang title ng talk show na gagawin ni Mega sa TV5. Wala pang ibang details sa show, gaya nang kung kailan ito magsisimula at kung sino ang magdidirehe.
Barbie itinangging insecure kay Bea
Hindi kinakitaan ng insecurity si Barbie Forteza na bida uli ang karibal niyang si Bea Binene sa Alice Bungisngis and her Wonder Walis katambal sina Jake Vargas at Derrick Monasterio. Napanood niya ang teaser ng fantaserye na eere na sa Monday, bago ang 24 Oras at manonood daw siya dahil naaliw sa mga eksena kahit teaser pa lang.
Hindi rin naman siya pinababayaan ng GMA 7 at may Ikaw Lang Ang Mamahalin sila ni Joshua Dionisio na na-extend for two weeks.
Saka, friend niya si Bea at magkasama pa rin sila sa Tweenhearts.
Nikki nagalit nang mag-iiyak si Billy sa Showtime
Totoo palang nagkatampuhan sandali sina Billy Crawford at Nikki Gil dahil sa pag-iyak ng BF sa Showtime. Pakiramdam ni Nikki OA ang ginawa ng BF gayung hindi naman nawala ang show at babalik na nga sa ere this Saturday.
Na-hurt daw si Billy sa sinabi ng GF, pero mabilis ding nagkabati at sweet na naman ang dalawa. Ang relasyon nina Nikki at Billy ang isa sa medyo matagal ng showbiz relationship at mapu-put to test ito ‘pag umalis si Billy for Europe.
JC ayaw na talagang magka-GF ng showbiz after Maxene
Wala pa palang naging GF si JC Tiuseco after Maxene Magalona at kahit hindi sila nagsalita, obvious na hindi maganda ang kanilang paghihiwalay. Heto nga’t ayaw na ng showbiz GF ng binata, kaya hindi raw totoo ang pagli-link sa kanila ni Sarah Lahbati dahil friend lang ang turing niya sa bida ng Kokak, kung saan kasama siya.
Hanggang March pa ang Kokak, pero up to February 8, na lang ang taping, kaya may time na si JC sa pagpapa-rehab ng kanyang binti. Pelikula sa GMA Films ang next project niya at umaasang mabibigyan din ng lead role sa TV.
Ready na raw siyang magbida kung pagkakatiwalaan siya ng GMA 7.
- Latest