Bagong anak ni Mother Lily, magiging ninang si Gov. Vi!
Tuloy na sa Lunes ang formal blessing ng Taal Imperial Hotel & Resort ni Mother Lily Monteverde. Sure na ang pagdalo ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto na siyang naatasang mag-cut ng ribbon. Alas-diyes ng umaga magaganap ang cutting of ribbon.
Nakatayo sa malawak na lugar ng Barangay Tulo, Taal, Batangas, mahigit isang taon ang ginugol ni Mother Lily upang maipatayo ang dream resort na isa sa pinakabagong “baby” niya sa real estate business niya.
Very modern, malawak at pampamilya ang resort na kinatatayuan ng pampamilyang villas, condotel, dalawang swimming pools, main function hall, videoke/music room, billiards, massage room at kiddie playground.
Sa totoo lang, mabenta na ang Imperial Resort sa mga events gaya ng debuts, seminars, weddings at iba pa kahit hindi pa pormal na nagkakaroon ng inagurasyon ang lugar.
Eh, sobrang na-inspire rin si Mother Lily sa remarkable services ni Governor Vilma mula nang maging mayor siya ng Lipa City hanggang sa mahalal siyang gobernadora. Lingid sa kaalaman ng marami, isa si Gov. Vilma sa closest friends ng Regal producer kaya mahal na mahal niya ang politician-actress mula pa noon hanggang ngayon.
Tanging si Gov. Vilma Santos-Recto ang nasa isip ni Mother Lily upang maging godmother ng kanyang “baby” at wala nang iba pa. Kaya naman sa February 6, isang malaking selebrasyon ang magaganap sa Taal Imperial Resort kung saan inimbita rin ni Mother Lily ang iba pang malalapit na kaibigan upang saksihan ang pagbubukas sa publiko ng resort na pinagbuhusan niya ng dugo, pawis at malaking halaga!
Showbiz inside report nina Carmina, Janice, Joey, at Ogie, mapapanood na ngayong sabado
Maghahatid na ng mga malalim, mabusisi, at mapusong showbiz balita, ang Showbiz Inside Report, ang pinakabagong talk show na magsisimula ngayong Sabado (Pebrero 4) tampok ang bagong kombinasyon ng mga host na kabibilangan ng original Kapamilya star na si Carmina Villaroel, multi-awarded TV host-actress Janice de Belen, actor-politician Joey Marquez, at ‘blind item’ king Ogie Diaz.
Kaiba raw sa nakasanayang showbiz-oriented TV programs dahil hindi lamang simpleng silip sa isyu ang handog ng S.I.R. sa mga manonood, kundi mga malalimang pagkilala at pagtalakay sa mga totoong tao sa loob ng mga pinakapinag-uusapang kuwentong tinututukan ng publiko.
Kapwa excited sina Janice at Carmina sa bago nilang talkshow. Ayon kay Carmina, “Excited ako sa ‘S.I.R.’ kasi mabibigyan ako ng pagkakataon na kilalanin ang ating mga Kapamilya stars.”
Dagdag pa ni Janice, “Aalamin natin ano ba ‘yung mga nangyayari sa likod ng mga kuwento.”
Samantala, interesado naman si Joey sa palitan nila ng kuro-kuro ng mga co-host niya. Aniya, “Gusto kong matuto mula sa kanila. Kanya-kanya kasi kami ng pag-uugali kaya gusto kong mapakinggan ‘yung mga opinyon nila sa mga istoryang ipalalabas namin.”
Kaabang-abang rin, ayon kay Ogie, ang no-holds-barred discussions na tampok sa kanilang programa. “Open kami sa tuksuhan, but at the end of the day walang pikunan, walang personalan. Happiness lang,” ani ni Ogie.
- Latest